AKO BA TALAGA?! (ONE SHOT STORY)

160 3 0
                                    

"Ang ganda talaga ni Kyra noh?"

"Ou nga eh, sobrang bait pa. Hay idol ko talaga iyan"

"Wala ng kulang sa buhay nya.. Nasa kanya na talaga ang lahat.."

Nasa kanya na daw ang lahat? Eh wala ngang manlkiligaw yang bruha na yan eh. Mga pesteng toh eh. Magchichismisan na nga lang kailangan pang pinaparinig sakin eh. Eh kung ihampas ko kaya yung desk ko sa kanila -__- Puro nalang Kyra eh. Si Kyra maganda. Si Kyra mabait. Si Kyra friendly. Oh ano pa ha? Tssssss -__- Pa-virgin pa magsalita. Agua lang ng AGUA BENDITA ang peg. Kotongan ko yan eh. Nakakainis. Lahat ng tao ata dito sa school eh gustong-gusto yan.

"Ang ganda-ganda talaga ni Kyra noh?"  sabi ng kababata ko na nakatitig at parang gusto ng ligawan si Kyra.

"Pwede ba Roebelle? Manahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin ha?"

"Ang sungit naman neto!"

"Alam mo namang naiinis ako sa pa-sweet na babaeng yan. Sakin mo pa sinasabi ang mga yan. Bwisit na to eh"

"Hi Alina..."

So speaking of the pa-sweet.

"Hi Kyra" *_____* si Roebelle.

Sabihin nyu nga sakin? Pwede ko na bang itakwil to bilang BEASTFRIEND ko??

"May assignment na ba kayo?"

"Wala." -__- sabi ko.

"Ito oh. Yung formula para di na kayo mahirapan."

Aba?

"Ang yabang mo naman! Anong tingin mo samin bobo?" -____-

"Allina hin--"

"Ewan ko sayo!"

Walkout nga ko. Kainis tong babaing to eh. Ang yabang-yabang! Si Roebelle pa. Tss. Dun nalang sya sa play-safe na Kyra na yun. Ligawan nya wala akong pakialam.

 Lumabas akong room tumambay ako sa may corridor, may lalaking nakatayo sa may tapat ng pintuan ng room namin.

"Ang ganda mo naman." -sya

Liungon sa kaliwa. Lingon sa kanan. Lingon sa likod.

"Ako?"

"Ou"

"Hahahaha. Iniinsulto mo ba ako?" -__-

"Hi-hindi. Napakaganda mo talaga. Maniwala ka sakin. Napakaganda mong dilag. Ako nga pala si Jayzer"

Baliw pala to eh. Sguro si Kyra ang  pinunta nyan dito. Tas ako ang gagawing bridge ng balahura na to para maging ka-close ang malanding Kyra na yun.

"Pwede ba. Kung si Kyra ang hanap mo sa knya ka dumeretso wag mo na akong dinadamay."

"Kyra? Di ko kilala si Kyra."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ewan ko sayo."

sabay alis

Kinabukasan...

Tambay kami ni Roebelle dito sa locker room kakatapos lang ng PE namin eh. Sa pagitan ng locker namin ni Kyra. OU MAGKATABI KAMI NG LOCKER. Bwisit dba????? May nakita akong gift syempre alam kong gift yun kasi nakabalot sa gift wrapper tas may tatlong roses pa.

"Oh Allina ano yan?" si Roebelle

"Edi regelo tsaka roses. Bulag ka ba Roebelle?" -___-

"Para kanino?"

"Wala akong paki kun kanino"

"Tingnan mo kaya."

"Are you commanding me Roebelle? I don't dare touching that  because I know tht's for Kyra. Eh para kanino pa nga ba iyan. Edi sa ultimate crush ng bayan. Si Kyra na maganda. Si Kyra na mabait. Si Kyra na play-safe. Si Kyra na mukang anghel. Si Kyra na sobrang yabang"

"Ang sungit mo talaga eh!" kinuha nya yung gift, ako naman lalabas na ng locker room.

"Allina waiiiiittt!!!. Look oh. Allina yung nakasulat. Jayzer LOVE Allina. Para sayo yan"

Napatingin ako kay Roebelle.

"Wag mo---" di ko natuloy sasabihin ko.

"Nga akong pinaglololoko, di kita niloloko. Tingnan mo pa oh."

At inabot nya sakin yung card. At yes totoo parasakin nga to. Jayzer.. Sya ata yung kahapon, yung lalaki sa may corridor. Sus kay Kyra lang yun eh. Dinadamay pa ko.

"Tara na!"  Paglabas na paglabas yung basurahan agad hinanap ko at tinapon ko yung mga bigay ni Jayzer. Bwisit sya.

"Hoy bakit mo naman tinapon??"

"Para kay Kyra yun eh. May balak lang kasi talaga ang lalaking yan gawin akong tulay."

Araw-araw na kong pinapadalhan ng Jayzer na yun ng mga kung anu-ano. Tss. Di talaga titigil eh. TATLONG BUWAN na syang nangungulit. Bakit ba kasi ako ang kinukulit nya. Eh si Kyra nga kasi yung gusto nya dba.

"Hoy naman Allina. Maawa ka naman kay Jayzer oh. Mahal ka nung tao eh. Bakit ba ayaw mo pagbigyan."

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo Roebelle na si Kyra nga ang gusto nya!"

"Di nga nya kilala si Kyra eh. Pinagtatabuyan mo yung tao eh. Pasalamat ka nga may nanliligaw sayo kahit napakasungit mo eh. Tapos sobrang bait at gwapo pa sobrang tyaga pa.. Pag iyan nawala hahanap-hanapin mo yun"

Tss. Alam ko yun Roebelle pero kailangan kong iwasan ang lalaking iyon kasi baka masaktan ako. Kahit nafafall na ko sa knya. Ayuko pa din dahil si Kyra ang gusto nya. 

A/N: Sino ba kasing nagsabi sayo na si Kyra ang gusto nya? Baliw ka din eh!

Naglalakad ako papuntang room nang makita ko si Kyra at Jayzer na nag-uusap. At naiinis ako! Sobrang naiinis ako, di ko man naririnig ang mga pinag-uusapan nila naiinis ako. Tumulo pa nga ang luha ko. Siguro kasi mahal ko na sya. Ayuko di kami pwede kay Kyra na sya!!!!

KINABUKASAN..

"Allina!!"

"Ano na naman ba? Nagkausap na kayo ni Kyra ah. Kaya di mo na ko kailangan tantanan mo na ko."

"Bakit namamaga yung mata mo Allina? Umiyak ka ba?"

"Hindi"

"Allina please naman."

"Si Kyra nasa loob"

"I dont care about her okay?"

"Ano ba talaga Jayzer, bakit ba ako kinukulit mo? Si Kyra ang gusto mo diba? Bakit ako yung binibigyan mo nga mga pesteng regalo. Dba ang plano mo lang naman ay ang gawin akong bridge para maligawan mo si Kyra? Oh eh nag-kausap na kayo. Ano pang gusto mo?"

"Ikaw. Ikaw ang gusto ko. Allina please stop pushing me away. Almost 3 months na akong nangungulit sayo. Di pa ba sapat yun? Para patunayan kong ikaw talaga ang gusto ko? Allina naman eh. Simula 1st year college ikaw na talaga ang gusto ko. Yeah. Torpe ako kasi ngayong 4th year na tayo lang ako nagkalakas ng loob na lapitan ka. Ang dami ko ng sinayang na panahon please naman Allina. Give me a chance, Mahal na mahal kita."

So simula pa 1st year college??

Napayuko ako sa sinabi nya. Alam kong sincere sya sa maga sinasabi nya. Ang tanga ko para di ko maramdaman yun.

"I'm sorry Jayzer, ang tanga-tanga ko. Sorry." He cupped my face at tinitigan nya ko sa mata. He smiled then hug me. I hug him back.

"Sssshhh okay na, mahal na mahal kita Allina Jane Abella"

"Hey, Jayzer. AKO BA TALAGA?! Hindi si Kyra??"

"Isa pa hahalikan na talaga kita"

"Di nalang gawin" -__- 

Bumitaw kami sa pagkakayakap, he cupped my face again and kissed me on my lips.

-THE END-

Echoss naman. HAHAHA! ANG PANGIT ng story. HOHOHO. Kayo na bahala...  Kung i-vovote nyu ba or what..  SALAMAAAAATTT sa mga napadpad dito. :DDD

AKO BA TALAGA?! (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon