"Oh anak ko, kamusta first day?"Si mommy. Ang magiting kong ina. (Malamang, Shin) Lagi syang nagtatanong at nangungumusta pag-uwi ko. Gusto nya kasi e, lagi akong may kinekwento.
Lam nyo naman, a daugher's first ever bestfriend is her mother.
Weh?
This time. Mas excited pa yata sya kesa sakin. Private school student na ako. Hmm. Pumasok na ko sa bahay at dumereto sa kusina kung saan nagluluto si Mommy.
At ayan, excited talaga sya sa mga stories ko.
Kung alam nya lang.
Hay. Naalala ko na naman."Hoy anak! Magkwento ka naman! Ano nangyari sayo dun?" tanong ni mhe (mommy) habang nagluluto. At ako, nakaupo lang dito sa dining area at inaayos yung bag ko sa katabing upuan. Ang bango ng niluluto, sinigang na hipon!
Bigla ko na namang naisip yung pagkakatapon ko ng lemonade kay Justin. Bigla akong pinagpawisan ng malagkit. Makainom na nga muna ng tubig.
"Nak? May lemonade juice tayo dyan sa ref, kunin mo.."
"Ppffftttt!!!!" a-ano? Tae. Nabuga ko lang naman yung iniinom kong tubig. Hays!! Lemonade juice daw!! "Ang baboy ko ano ba yan!"
Basang basa yung table. Buti nalang hindi pa nakahain yung ulam, kung hindi, ang salaula. Hayy.
"Ano ba naman yan anak? Kabalahuraan! Kababaeng tao nak ah." nagulat din talaga si mhe sa nangyari sakin. Putik kasi, pilit kong kinakalimutan, pinapaalala pa sakin ng tadhana.
Naalala ko na naman.
"Sorry, mhe." sabi ko habang nagsimula na akong kunin yung basahan at nagpunas. Pinunasan ko nalang din ng braso ko yung bibig ko. Aish, Shin.
Bakit ba kasi naalala ko pa?
E hindi ko nga sinasadya yun diba. Yun lang naman kasi ang pinaka-highlight ng pasok ko. Lemonade. Pero syempre new friends, saka yung pagiging part ko sa class officer chenes.
First time ko maging Muse, at alam kong trip lang nila yon.Lemonade..
Sasabihin ko na ba yun kay mhe? Pero para kasing..
Baka sabihin ni Mhe, bully ako. Ay hinde, tyak na sasabihin nya lang yun, kaya di ko na ike-kwento yun kay Mommy. Madedehado lang ako. Saka lalo ko pang maaalala. Hm, tama tama.
"Natapunan ko ng lemonade yung damit ng kaklase ko." sabi ko kay Mommy at bigla namang sya tumingin sa akin at napatigil sa paghahain.
Okay.
Di ko maiwasang hindi sabihin! Gusto kong sabihin lahat kay mommy. Hay. Ano ba yan! Pwede sorry?
"Ano?! Bully ka anak?" sabi na nga ba e!! Hay nako. Dapat pala nakipag pustahan ako sa inyo para nagkapera ako. Di ba? Di ba?
"Bully agad agad?! Di ba pwedeng di ko muna sinasadya?" sagot ko kay Mhe nang napakamot nalang ako sa ulo ko. Sinimulan na ni mhe na maghain sa lamesa. Nagsimula na din ako magsandok ng kanin.
BINABASA MO ANG
Love, Luck and Wonder [currently editing]
RomanceAng gusto ko lang naman bilang estudyante ay magkaroon ng simpleng high school life. Yung hindi sikat, yung hindi din naman binubully. Yung tahimik lang, yung simple at masaya. Pero minsan, kung ano pang hiniling mo, kabligtaran ang kinakalabasan. H...