"Alex! Ano magmumukmok ka nalang ba jan?" Ano pa nga bang gagawin ko sa buhay?
"May dahilan pa ba ako para kumilos ma? Hindi mo nga ako binigyan ng pambili ng concert ticket ni Dj eh!" Dinabog ko yung pinto ko. Nakakaasar kasi. Halatang nanandya eh.
"Ano naman mapapala mo dun?" Tinignan ako ni mama ng masama. So pag-aawayan nanaman namin to?
"Ano namang mapapala ko dito? Kung binigyan nyo sana ako ng ticket,edi natuwa pa ako. Edi sana di na tayo mag-aaway ngayon?" Sinuot ko yung converse ko at umalis na sa harap niya. Baka mapalayas nanaman ako pag sumagot pa ako.
"Saan ka pupunta?" One more look..
"Kung saan wala ka..." I know im mean to my mom pero badtrip talaga ako. Ngayon na yung concert ni Dj tapos ni ticket na pang GenAd hindi nila ako mabilhan. Duh! Ang laki laki ng binibigay ni papa na pera tapos yon lang hindi pa ako mabilhan.
Calling: Babe <3
Himala,napatawag tong gungong na to?
"Oh bakit?"
"Can.....can...w-we talk?"
"Asan ka ba?"
"Park..."
"Coming"
Sumakay ako ng tricycle at pumunta na sa park. Ano nanaman problema ni Josiah?
Pag dating ko sa park,nakita ko siya nakaupo sa swing. 3 years ago,naalala ko kung paano kami nagkakilala dito sa park na to. Pero hindi ko na ikwekwento yun.
"Babe.." Tinawag ko siya. Napalingon naman agad siya sakin. Ouch ha. Hindi siya nakangiti. Poker face lang.
"Gusto mong sapak? Sarap ng welcome mo sakin ah,SIMANGOT" Umiwas siya ng tingin. Ano bang problema niya?
Umupo ako sa kabilang swing.
"May problema ba?" Tanong ko. Kesa naman mabulok kami dito diba?
"Ye-yes.." Oh bat' nauutal to?
"Ano yun?" Tinignan ko siya pero naka-yuko lang siya.
"Le-let's....break up..." Wait....tama ba narinig ko? Parang ayaw tanggapin ng tenga ko.
"Josiah,wala akong panahon makipag-joke time sayo ah. Badtrip na ako kay mama..." Baka naman kasi nag-jojoke lang siya diba?