Zavira
Kanina pa ako nasa labas, hinihintay ang isang taong kanina ko pa inaabangan lumabas sa gusaling 'to.
That kid! Anong oras na pero hindi pa siya umuuwi.
Nagulat ako nang makita ko siyang pumasok kanina sa resto kung saan kami ni Dwyer. Pinapunta ko talaga si Dwyer dito dahil may mahalaga kaming pag-uusapan.
It's about the approaching full moon.
I got distracted when I smelled that very familiar scent. And I was right. It's from her.
Nakatitig lang ako sa kanya simula nang dumating sila. She’s supposed to be in class, pero bakit nandito siya? And who's that woman with her? I'm certain she's human since it's not the same scent I smelled last time, which it doesn’t smell like human like hers.
Nagulat pa siya nang makita niya ako. Goodness, I would be lying if I said I didn't miss her. Hindi ako pumunta sa kanila for a few days kasi baka nabastos ko siya o nagalit siya sa ginawa ko noong gabing iyon.
I’m guilty, okay? I kinda went overboard and forgot that she's not familiar with me yet..
I actually bought a condo malapit sa school niya. Okay, I admit I partly bought it because of her. I’ve been staying there for a while, dito ako dumidiretso kapag may pasok si Alca.
For days na pumupunta ako sa bahay nila, kung ano-ano na lang ang binibili ko pasalubong kina Fima at Sev. I know it's just an excuse para makasilay kay Alca.
Si Fima, as usual, tinutukso ako kay Alca.
Nakita niya pala ako last time na nakatingin kay Alca before.It's not my fault. That day na sumama ako sa kanila sa bayan was the best thing that happened to me. I wouldn't have met Alca kung hindi dahil doon.
Looking back, hindi pa kami nakakalapit sa mismong lugar kung saan nagde-deliver sina Sev, nang maamoy ko ang isang bagong amoy na ngayon ko lang naamoy sa tanang buhay ko. Halos nagwawala ang kalooban ko sa naamoy ko that time. That's new, since I’ve never been like this ever before.
Nilibot ko ang paningin sa paligid hanggang tumapat ito sa isang babae. Tahimik lang siyang nakaupo at busy sa laptop niya.
I can't get my eyes off her. Para akong na-magnet sa kanya. She’s like a beautiful angel sent from heaven. I never imagined na magiging ganito ako dahil sa kanya. My whose system was in chaos. All I could think at that moment was, I want that human.
It made me smile at the back of my head when I saw her confused face looking at me nang magtapat ang mga tingin namin.Ang akala kong iiwasan niya ang mga tingin ko ay hindi pala. Instead, sinalubong niya ang mga tingin ko.
And trust me, the happiness I felt that day was beyond words. My body was itching to be close to her. She’s my human. I’ll make sure she'll be mine soon.
Para akong baliw na nakangiti ngayon.
Just thinking of Alca is enough to take my sanity away. This woman. Goodness.Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang babae kanina, now holding my woman. Nakita ko pang tumatawa siya. Just seeing Alca with someone else is irritating me so much.
Agad na uminit ang ulo ko nang maamoy ang alak mula sa kanila. I gritted my teeth as another thought popped up in my head.
"You can go now, I can take care of her," sabi ko sa babae habang isinasakay niya si Alca sa sasakyan.
That made her stop from what her doing.
Napalingon ito sa akin.
"I'm sorry? Who are you?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Nakatutok ang tingin ko sa mga kamay niyang nasa bewang ni Alca.