Juu Ni

637 42 0
                                    






"Alcaaaaa"


"Baby alca" simula pa kahapon tanong ng tanong sa akin si miles kung sino daw ba yon. She's pertaining to zav.

Goodness. Please remind myself not to get drunk again.

Kwinento kasi sa akin ng mga ito ang mga nangyari simula ng nalasing ako. Hiyang hiya ako sa mga kwento nila. Goodness. I never imagine na ganon ako kapag nalalasing. Kaya walang tigil akong inaasar nito.

Si miles naman hindi ako tinitigilan hanggang ngayon kung sino daw ang kasama ko. Siya pala dapat ang maghahatid sa akin sa bahay pero may babae daw na lumapit, at ito ang nagprisinta at nagbuhat sa akin. It's definitely zav, dahil sinabi niyang asul ang mga mata ng babae. Takot na takot nga daw siya rito dahil parang galit daw sa kanya at masama ang timpla ng mga oras na yon. Hindi ko ba alam kung totoo ang sinasabi niya o dahil lasing din ito.

Thankful na rin ako at hindi ako inuwi ni zav sa bahay. Ayokong makita ako ng kapatid ko at ni mama la sa ganong sitwasyon.

"Wala nga miles" nasa cafeteria kami ngayon. Kasama na namin si jade pero wala si ruby.

"Right wala, pero kung makayakap @&$@#!*#.." agad akong napalingon sa kanya. Ramdam kong nag iinit ang mukha ko ngayon.

Pilya na itong nakangisi sa akin.

"Stop teasing alca, miles" rinig ko pa sa boses ni jade na halatang natatawa din. Pilya din itong nakatingin sa akin ngayon. Help. I want to disappear now.

"Awe, our baby alca kinikilig" tukso sa akin ni miles. Ramdam kong lalo nag init ang mukha ko pati ang tainga ko.

"I'-im not! M-ma-init k-kaya!" halos mag kautal-utal kong sagot sa kanya.  Malakas namang tumawa si miles. Kahit si jade ay tuwang tuwa sa nakikita.

Hiyang hiya na ako dahil na sa amin na ang attention ng ibang studyante na nandito sa cafeteria dahil sa lakas ng boses ni miles. Makatawa ito kala mo parang siya lang ang tao sa cafeteria

"Bakit nauutal ka?" She was teasingly asking.

"H-hindi ah!" iwas ko agad ng tingin sa kanya.

"Pano na si rain nyan?" Bat na naman nasama si rain sa usapan? Inirapan ko nalang ito na ikinatawa niya.

"Blue eyes naman pala ang gusto~" rinig ko pa sa mahina niyang boses.

"Miles!" Hiyang hiya na ako. My gosh. Bakit ayaw nitong tumigil!

"Don't worry baby alca, I'll support you naman. Btw, she's hot.." Kumindat pa ito sa akin.

"Miles naman eh!" Gusto ko nalang mag palamon sa lupa. This is embarrassing. Gusto ko nalang tumago ngayon.

"Stop na miles, baka sumabog na si alca sa sobrang pula" natatawang salita ni jade. Tuwang tuwa din ito sa nakikita eh. Napalabi nalang ako dahil sa dalawang 'to.

"Boses mo miles abot hanggang sa room namin" napalingon ako sa boses na yon. It's Van. Mga teammates nila ito. Kasama rin rito si rain na ngumiti sa akin ng tumagpo ang mga mata namin.

"Tanghaling tapat anong natira niyan Paris at ganyan yan?" Tanong pa ng isa nilang teammates.

"Mahiya ka naman miles madaming nakatingin sa table nito"

"Shut up van" Nakita kong inirapan niya pa ito.

"What happened kay baby alca?" Tanong pa ng mga ito.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon