CHAPTER 15

10 0 0
                                    


 ⚜️ Alia ⚜️




Mag tatatlong araw na simula ng mag panic attack si Bella, nandito pa din kami sa JMC inaantay na maka recover siya. Ako yun naging personal nurse niya may klase si Kendrick kaya madalas hapon or gabi na siya nakaka punta dito para samahan si Bella.




Every morning pag nakaka kita siya ng araw lagi siyang nagpapanic at natatakot. Paulit ulit niyang sasabihin na hindi siya pwedeng nasa labas,na kailangan niyang magtago at kailangan niyang bumalik sa baba.




It would takes us minutes para pakalmahin siya. Lagi namin sinasabi sa kanya na wala na siya sa Gubatnon, na wala na siya sa ganun buhay.




Kumain kami ng lunch ngayon,gusto ko siyang tanungin kong anong nangyari sa kanya bakit siya nagkaka ganun. Pero sabi ni Doc Aden wag daw namin pilitin mag kwento kong hindi pa ready si Bella.




Pero nag-aalala kami ni Ken sa kanya eh. 



" Alam ko gusto mong tanungin Ali " mahinang sabi niya ng mapansin nakatitig ako sa kanya.




" Pero kong hindi ka comfortable pag-usapan bella, it's okey di mo kailangan sabihin " tumingin lang siya sa glass window at bumuntong hininga.





" Isabella Blanza died few years ago " sabi niya ng lingunin ako.




" Kasama akong namatay ng mga magulang ko nung gabing sinalakay nila Cobra ang bahay namin" dagdag niya pa




Nakinig lang ako sa kanya at hindi nagsalita.




" Pinatay sila dahil informant daw ng mga sundalo si Papa at nagtataksil sa kilusan. Maswerte akong nakaligtas. "




* Napakasamang tao talaga ng Cobra na yun. I wish Sir Keelan would find him. Para pag bayaran niya lahat ng kasalanan niya. *




" Simula nun, hindi na ako pwedeng makita sa Gubatnon. Lahat ng taong kilala kami pinagluksa at nilibing kami sa limot " 

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon