Juu San

642 41 1
                                    

"Kung hindi pwede sa ate edi sa kapatid nalang~"

"Aray naman miles!" gusto kong matawa sa pagbatok sa kanya ni miles. Nakasimangot na ang mukha ni van na masama ang tingin kay miles ngayon.

"Gago ka van! Pati ba naman sa bata?"

"Why not? Diba-! Aray miles masakit!"

No way hell na pinagpapantasyahan niya ang kapatid ko?

Sapo ni van ngayon ang noo niya at masamang nakatingin kay miles, na kala mo any minute susugurin niya ito. Pinitik kasi ito ni miles sa noo niya.

"Nakakasakit kana Torres ha, hindi ko 'to makakalimutan.." I heard van said pero hindi ito pinansin ni miles. Gusto kong matawa dahil parang walang narinig si miles, kaya parang batang inapi si van ngayon dahil sa mukha niya.

"Baby al, magkamukhang magkamukha kayo" bulong sa akin ni miles. Natawa ako sa sinabi ni miles. Wala ng bago sa 'kin 'to. I do get this a lot, to the point na napapagkamalan kaming kambal. May nagsasabi nga na playful o matapang kong version ang kapatid ko.

"Ate lala siya po si ate miles?" Tanong ng kapatid ko. Nasa bahay kasi ang mga ito ngayon. Kasama ni miles si van, at red na tahimik lang na nakaupo ngayon.

Nagulat pa ang mga ito ng makita si zav rito.
Mamaya kasi ang laban ng mga ito kaya sinusundo nila ako.

"Yes, baby, I'm Ate Miles, your Ate's best friend." Lumapit pa ito sa kanya.

"Ilang taon kana, baby?"

"12 po" nagulat pa ata si miles sa naging sagot ng kapatid ko.

"What! She's 12?!" Oa pang salita ni van.
Tumango lang ako sa kanila. It's not my fault dahil matangkad kasi talaga ang kapatid ko.

"Yes po mga, ate" sagot pa ng kapatid ko habang may kinakain ngayong pasalubong nila miles. Wala talagang pinapalampas ang kapatid ko basta pagkain.

"She's grade 7?" Bulong pa sa akin ni miles. Tumango lang ako sa kanya.

Tahimik lang namang nakatingin si zav sa mga ito. Nginitian ko siya ng mabaling ang tingin niya sa akin. Ngumiti lang ito sa akin.

Sasama din si zav don. Ayos lang naman daw na magsama ng outsiders dahil kasama naman nila kami.

"Mga iha kumain na ba kayo?" Inilapag ni mama la ang dala niyang pag kain sa table.

"Yes po" magalang namang salita ni miles. Nakita ko pa ang pagkurot ni miles kay van dahil kumuha agad ito ng Plato.

"Pasensya na po, patay gutom ang kasama ko" Nahihiyang salita ni miles.

Tumawa lang si mama la rito.

"Van, nakakahiya ka!" Hampas agad ni miles sa kanya ng tuluyang umalis si mama la. Tinawanan naman ito ng kapatid ko na kumakain din ngayon. Patay gutom din ang kapatid kung 'to kung makatawa kala mo naman.

Inabutan din ni van si red ng plato na tinanggap naman ng isa.

"It's good, try mo masarap" sinubuan niya din si miles na tinanggap din nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil it's kind of sweet.

















"Sweetie we're here.." inaantok kung minulat ang mga mata ko. Malabo pa ito sa una kaya kinusot ko ang mga mata ko.

Bumungad sa 'kin ang malapit na mukha ni zav sa akin.

Zavira Vaudelaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon