CHAPTER 6

11 0 0
                                    

How's your day with your comfortutan?

- Mareng Joanna

🌹

"Oy mga te, nagawa niyo na yung video sa demo natin?" CJ asked in annoyance and sleepy look at them.

Nandito sila sa loob ng library at nakatambay habang nagpapalipas ng isang oras bago ang huling klase nila sa hapon.

"Hindi pa, matagal pa naman deadline e." Ani Marian habang kaharap ang Librarian na parang tropa niya lang. "Si Ma'am naman parang others, paprint lang nga ako e."

"Ikaw te?" Tanong naman ni CJ kay Ate Alyssa.

"3 weeks pa naman. Matagal pa yun."

"Gaga ka, last week sinabi na yun. 1 month bago ipasa, yung iba gumagawa na daw mga pabibo."

"Hayaan mo sila kalaban din nila mga kaibigan nila, bahala sila away away sa award. Ang goal ay makatapos ng maayos kahit walang award basta may diploma." Ani Joanna.

Dugtong pa niya. "Saka deadline ang magpapakilos sa atin, not now but soon." She barely laughed.

"Nakakatamod, este nakakatamad." Walang buhay na sabi ni CJ.

Nakahalumbaba silang nakatingin sa cellphone sa pahabang mesa at nakaharap sila kay Marian at kay Ma'am Librarian na nakikinig lang sa usapan nilang dalawa hanggang lumipas ang isang oras para pumasok sa huli nilang klase.

"NALOLOKA na nga ako, pero mas nakakaloka yung Scientific Method sakit sa ulo bhiee." Ani CJ at humawak sa ulo neto na kunwari masakit. "Pero maganda pa rin ako. Tara na nga, meryenda tayo sa plaza nagutom utak ko dun."

And CJ led the way from walking outside to their school premises to their next stop, plaza.

"Mga te! Anong bibilhin niyo?" Marian asked.

"Calamares saka atay sakin saka palamig." Joanna answer first.

"Ganun din sakin." Ate Alyssa answered.

"Siomai nalang sakin. Ayoko ng mangasim na amoy sa eBus mamaya." CJ answered.

"Hilig niyo sa may suka mga te. Siomai nalang din sakin saka palamig." Ani Marian.

"Masarap kaya yung suka matamis, saka mag atay ka para dika laging badtrip trip." Joanna said and Marian uttered soundless cussed and they just laughed at her attitude.

Meanwhile, Joanna looked at her phone again with someone's message but none. She's in the waiting shed with Marian, the two are CJ and Ate Alyssa just took their ride on the way to their home while Marian is waiting for her Father to fetch her.

"Bye te! Andito na daw si Papa." Marian waved goodbye to her and she waved back.

She looked again on her phone and still none. "Masyado ka bang busy at maghapon kang walang paramdam." Joanna sighed.

Dumiretso siya sa kaibigan niyang si Katrina na nagtatrabaho lang sa isang Dept Store malapit sa plaza bukod dun ayaw niya pang umuwi dahil lungkot at mag isa na naman ang pakiramdam niya. Gusto niyang pagurin ang sarili bago umuwi para makatulog ito agad kahit sandali pagkauwi bago pumasok sa trabaho.

Joanna pinched Katrina's waist. "Ginagawa mo dito?" Katrina busy putting the items in the plastic bag in the counter near side of the entrance of the store she's working with.

"As usual. Window shopping eme."

"Boring ka na naman, kaya naglilibot libot ka na naman. Sabagay alas kwatro palang naman 7 pa pasok mo."

Rewrite the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon