Chapter 19: Wonder Wall.
Written By BlackRavenInk16KANINA pa si Leandro sa bahay pero wala pa rin si Rio. Nag-iinit na ang ulo niya dahil kanina pa siyang naghihintay dito pero gabi na, wala pa ring Rio na umuuwi. Wala rin doon ang mga kapatid niya pero wala naman siyang pakialam sa mga ito. Si Rio lang ang inaabangan niya.
Kaninang umaga, umalis siya ng maaga na ni hindi man lang ito nakita dahil nakipagmeeting siya sa mga taong humahandle ng negosyo niya. Sinabi niya na mia muna siya ng tatlong buwan at kontakin lang siya kapag may importanteng bagay na dapat sabihin ang mga ito.
Yeah, ang isang katulad niya na kahit kailan ay hindi nagpahinga para lang magpayaman ay magbabakasyon ng tatlong buwan ngayon. Ang tagal niyang hinanap si Rio kaya siguro naman, hindi kalabisan na sulitin niya ang oras na makasama ito. Isa pa, kahit naman wala siya sa opisina ay umaandar pa rin ang mga negosyo niya. Oras-oras ay kumikita siya ng pera.
Pero nagtataka talaga siya kung bakit wala pa si Rio. Matapos niyang malaman ang buong pangalan nito at kung sino ito ay nagpainvestigate na agad siya tungkol dito kaya alam niya na uwian na dapat nito kaninang 5pm.
Hindi kaya pumunta ito sa ospital para bumisita sa tatay nito na may sakit? Ang tatay nito na naaksidente nang dahil sa kanya. Ang mga taong may galit sa kanya dahil siya ngayon ang nangunguna pagdating sa mga ilegal na negosyo sa Pilipinas ay si Gabriel dapat ang pag-iinitan pero ang tatay ni Rio ang natamaan. Nalaman din niya na ang katulong na inapi-api niya noong nakaraan ay ina pala nito.
Nang malaman niya iyon, parang gusto niyang suntukin ang sarili niya. Both parents ni Rio ay minalas nang dahil sa kanya. And now he is afraid that they might not like him anymore for their daughter. Pero naisip niya, wala rin naman siyang pakialam kung mangyari pa iyon dahil kahit ang mga magulang ni Rio, walang magagawa kapag ginusto niya. Para sa kanya ay pagmamay-ari na niya si Rio.
At syempre, dahil mapride siya, hinding-hindi siya hihingi ng sorry. Babawi na lang siya siguro kapag nameet na niya ang mother and father in law niya.
Pumunta siya sa kwarto ni Rio kahit alam niya na wala naman ito roon para malaman kung ano ba ang kalagayan nito sa kwarto nito. Baka hindi komportable.
Pagpasok niya, medyo nawala ang worries niya dahil mukhang komportable naman pala ang kwarto nito. Kahit na maliit lang, sobrang linis naman at may cabinet at maliit na kama. Pero ang pinangunot ng noo niya, ay nang makita na sa dingding nito ay may nakadikit na poster ni Enrique.
"What's so good about this brother of mine that she have to fantasize about him?!" gigil na bulong niya.
Nang pinainvestigate niya si Rio, nalaman niya na fan pala ito ng kapatid niya. Katulad ng mga normal na kabataan, isa si Rio sa mga nagkakandarapa sa mga artista. Bumibili ng mga albums at collections at lahat ng ginagawa ni Enrique ay sinusuportahan nito kahit mahirap lang ito. Which is for him, it's really absurb. He never like anything to do with tv. He think that those celebrities and their world are full of lies and sh*t and yet, people are admiring them blindly. At ang masama, tinatrato pang parang mga Diyos.
Katulad ni Rio. Kung alam lang nito na masama ang ugali ni Enrique at wala talaga itong pakialam sa mga fans, he doubt that she will still like him. At alam niya, isa rin si Enrique sa mga umaalipusta sa ina nitong katulong noon. They're just the same. If Rio finds out, she might hate them.
Nang marinig niya kung ano ang mga pinaggagawa ni Rio para lang kay Enrique mula sa private investigator niya ay parang gusto niyang tahiin ang bibig nito. Hindi niya matanggap na may ibang lalaking pinagpapantasyahan ang babaeng pinakamamahal niya. Na may kinababaliwan na ito bukod sa kanya. To be honest, if Enrique is not his brother, baka itibumba na niya ito.
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!