TITIG na titig si Asa sa guwapomg mukha ni Lime. Mahimbing itong natutuog kaya malaya niyang napagmamasdan ang guwapo nitong mukha. His green eyes were magnetizing as he looked at her earlier. And those dimples and lips... Shit. He was kissable and he knew how to use it.
What happened last night was a mistake on her part. Siya ang unang humalik sa binata, siya rin ang unang nang-akit dito. But she couldn't deny that she was satisfied on what she do.
Pero alam niyang hindi na masusundan pa ang nangyari sa kanila ni Lime kaya kampante siya na hindi na sila magkikita pa. He was billionaire, and she was just a normal woman trying to do anything for her mother. Napakalayo ng agwat nila sa buhay. Kung ano man ang nangyari sa kaniya kagabi, isa nalang iyong magandang alalala para sa kanya na naibigay niya ang kanyang virginity sa lalaking pinipilahan ng mga kababaihan. It would never happen again.
Nagkita lang naman sila ni Lime dahil pumunta siya dito sa bahay bakasyunan ng inalagaan ng ina niya. Tinulungan niya kasi ito kahit na hindi naman mahirap ang gagawin.
Pagkatapos ng party ay kumuha siya ng isang bote ng beer sa cooler pagkatapos lumabas ng bahay at naglakad patungo sa isang puno malapit sa Cabin house.
Jay broke up with her. Nagkapiraso-piraso ang puso niya ng sabihin nitong ayaw na sa kanya dahil ayaw niyang gawin ang hinihingi nito. What an asshole! Hindi siya makapaniwlang pinatulan at natiis niyang ang lalaking 'yon! Akala niya mahal siya ni Jay. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Sana nagising na siya ng maaga pa at hindi na siya nagtagal sa relasyong wala namang patutunguhan. Ang gusto lang pala nito ay mai-kama siya. Pagpapanggap lang ang lahat. Tulad ng mga lalaking dumaan sa buhay ng ina niya. Mga manggagamit. Buti nalang at wala itong nakuha sa kanya, pero nasaktan naman ang puso niya.
Nasaktan siya ng sobra sa mga sinabi sa kanya ni Jay. Akala pa naman nito ay tanggap nito ang lahat sa kanya, isa lang pala iyong pagpapanggap. Mabuti nalang at naroon si Lime para maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.
She would not have sex with a stranger if it were not Laurence Lime Samaniego.
God. Hindi ito puwedeng malaman ng ina niya. Speaking of mother, kailangan na niyang umuwi sa kanila. Mag-uumaga na. Mula sa bintana ng Cabin nakikita niyang malapit ng lumabas ang haring araw.
Mabilis siyang bumangon at maingat na umalis sa kama. Pagkatapos ay pinulot ang nahubad na damit na nasa sahig at isinuot iyon. Pagkatapos ay maingat siyang lumabas ng Cabin.
Magulo pa ang buhok niya dahil hindi pa siya nagsusuklay pero kailangan niya na talagang umalis bago pa magising si Lime.
Last night was unforgettable but she needed to put it aside and face her life. Ang nangyari sa kanila ay hindi na mauulit pa 'yon. Days from now, magiging isang magandang alalala nalang ang nangyari between her and Lime. Pero alam din niya sa sarili niya na hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kanila ng binata.
Nang makalabas ng Cabin agad niyang tinawagan ang pinsan niyang si Jake para magpasundo at magkalapit lang naman ang bahay nila. Mabuti at gising na ito, kaya nasundo siya bago ito pumasok sa trabaho at ihatid ang anak nito. Kaagad na bumungad sa kanya ang ina niya halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Saan ka galing? Alalang-alala ako sa 'yo," sabi ng ina saka niyakap siya. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Hinanap ka ni Asher."
"Sa kaibigan ko lang ma, nalasing po kasi ako kaya hindi na nakauwi." Pagsisinungaling niya. "Nasaan po si Asher?"
"Naku, hayon, tulog pa, " imporma sa kaniya ng Ina. "Hindi ko pa 'yon pinagalitan, hindi pa matutulog. Hindi raw ito matutulog dahil hinihintay ka na umuwi."
Napabuntong hininga siya sa sofa at sinuklay ang mahabang buhok. "Hindi ko na alam ang gagawin ko mama." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Nag-break na kami ni Jay kagabi."
YOU ARE READING
OBS 3: Our Sweet And Sour Love
RomantizmWARNING: MATURED CONTENT INSIDE |🔞 OBSESSION SERIES #3 [Laurence Lime Samaniego] Laurence Lime Samaniego was a playboy, self-centred, charismatic, and talkative(tsismoso) like his friend, Noah. He was handsome with his green eyes and set of dimples...