BUMALIK ako sa kanilang lamesa na dala-dala ang order nila. Hindi ko alam kong ano ang dahilan nang kaba ko ngayon, wala naman akong ginawang hindi tama. Nilagay ko na sa lamesa ang mga pagkaing gusto nila.
"Have a nice day sir." Bati ko sa kanilang lahat.
Hindi ko nalang pinansin ang tingin nila sakin kapag nagbibigay ako nang mga order sa mga tao. Pagod na pagod na ako kahit ganitong araw lang ang nararamdaman ko.
Physically and mentally I felt right now. Tinignan ko sila nanay at tatay na patapos nang kumain kaya nilapitan ko ito.
"Anak uuwi na kami maghahapon na kailangan ko pang kunin yung labahan ko sa labas baka uulan."Sabi sakin ni nanay na tumitingin sa labas na malapit nang mag-aambon.
"Sige po Nay, iihatid ko kayo sa may sakayan."tumutol pa sana ito pero mamilit akong tao.
Nagpaalam muna ako sa kaibigan ko na nagmamay-ari sa restaurant nato.Dumaan kami sa may gilid nang kapatid ko at barkada niya. Sinundan naman nila kami nang tingin hindi ko nalang iyon pinansin.Pumara ako nang jeep, bigla naman akong nakaramdam nang lungkot dahil hindi ko naman sila makikita at makakasama.
"Mamiss ka namin Ate."Sabi pa sakin ni Tantan at bigla akong niyakap saka hinalikan sa may pisnge. Ganon din naman ang ginawa ko sa kaniya pati nadin kay Rosil. Niyakap ko sila nanay at tatay . Sinabi ko namang sumakay na sila. Binayaran ko nadin ang kanilang pamasahe para wala na silang problemahin pa.
Ganon nanga ang takbo nang araw at oras ko sa ngayon. Naghahapon na at kailangan ko namang pumunta sa skwelahang hindi ko maisip kung bakit paba ako pumasok doon. Sa ngayon gusto ko munang may pinag-aabalahan pa. Kanina palang umalis ang mga mafia muscle kaya bigla nalang din ako nakahinga nang maayos.
"Lollie sahod mo ngayon sa araw ohh."sabay abot sakin nang tatlong libong pera pero umiling lang ako dito.
"Wag na tumutulong lang ako kasi kulang kayo sa tao, siya ka bayad nadin yan sa kinain nila nanay at tatay."ngising sabi ko sa kaniya.
"Sige na dali para sayo din naman to."umiling at umiling lang ako dahil ayuko ko talaga tumulong lang naman ako. Pero bigla naman itong nilagay sa may bulsa nang pantalon ko.
"Bakla naman, pero sige salamat parin dito ha." Sabi ko pa sa kaniya at nag papaalam na ako dahil baka gabihin ako sa sakayan mamaya.
Parang maabotan pa ata ako nang ulan ngayon, speaking of- bigla ko nalang nararamdaman ang pagpatak nang ulan saking balat kaya nagmamadali akong pumara nang jeep dahil palakas nang palakas na ang ulan. Napa busangot ako dahil hindi man nila ako pinasakay.
Automatikong tinakbo ko nalang ang daan kahit wala akong dalang payong tanging bag lang ang meron ako at alam kong sa loob nang bag ko basa na ang mga damit dito na tinupi pa ni nanay kaninang umaga. Alam kong malapit na ako kaya binilisan ko lalo parang magkasakit ako nito dahil sa pagod nang katawan tapos nabasa pa sa ulan. Klarong klaro na yung kulay itim kong bra kahit nakasuot ako nang itim na damit alam kong hapit na hapit na yung dib-dib ko sa damit dahil sa basa nang ulan.
Nanginginig akong tinawag ang guard na pagbuksan ako.
"Pasensya na Kuya Guard naistorbo pa ata kita sa pagtulog mo."nanginginig kong sabi sa kaniya.
"Okay lang mag bihis kana."simpleng tango lang ang tinugon ko dito at nagmamadaling pumunta sa dorm ko.
Wala sa sariling binuksan ang pinto at naabutan ko sila lahat doon na nag-aaway na naman. Talaga naman.
YOU ARE READING
THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈 (COMPLETED/Under edited)
Action𝙶𝚞𝚕𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚜𝚘𝚔 𝚔𝚘 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚙𝚊𝚕𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚒𝚗𝚊𝚐𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚝𝚞𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎.𝙼𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚙𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙,𝚖𝚊𝚜𝚊𝚑𝚘𝚕 𝚙𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚜𝚘 𝚊𝚗𝚐 pinunu 𝚗𝚒𝚕�...