NAKATINGIN lang si Lime sa papalayong bulto ng dalaga. Nang umalis ito sa dance floor ay agad niyang itong sinundan pero hindi siya nagpakita rito. Parang ayaw siya nitong makita.
Too bad gusto niya ulit itong makita.
Huminga siya ng malalim at sumakay sa Mazda MX-5 niya habang sinusundan ang dalaga palabas ng subdivision. Nang makasakay na ito ay pinaharurot na niya ang sasakyan niya patungo sa kanyang penthouse. Pumunta lang naman siya sa party dahil inimbitahan siya ng tita niya, pinuntahan naman niya at baka isumbong siya sa mommy niya at baka magtampo din ang pinsan niya sa kanya. Wala naman din siyang gagawin pagkatapos nilang mag-inom ni Rayven.
Nang makarating siya sa penthouse niya, nag-text siya kay Rayven saka pinindot ang send. Ilang minuto pa siyang naghintay, bago tumunog ang cellphone niya.
Sinagot niya ang tawag. "Nabasa mo ba ang text ko?"
"Yeah." Sabi ni Rayven. "Kaya mo na 'yon. Malaki ka na,"
Umikot ang mga mata niya. "Come on, man."
"Ikaw ang magaling diyan tapos ako ang tatawagan mo. Sabihin mo lang tinatamad ka,"
"Kung importante sa 'yo, lagyan mo naman ng effort." Mahina itong natawa sa kabilang linya. "Gagawa at gagawa ka ng paraan para lang malaman ang impormasyon tungkol sa isang babae."
Nagkasalubong ang kilay niya." I don't know you're talking about." Napabuntong-hininga siya saka napailing-iling. "Paano mo naman nalaman na babae ang pinapahanap ko?"
Rayven chuckled. "Because I'm awesome."
Nawala ito sa kabilang linya kaya pabagsak siyang nahiga sa kama.
Damn it!
Kinuha niya ang laptop niya at sinimulang hanapin ang impormasyon ni Amora.
Got ya!
Napasuntok pa siya sa hangin ng makita ang impormasyon ng dalaga. Ready yourself, sweetheart. We will meet again.
Amora Sweet Aguilar. She's twenty-seven years old, she owns a Café named 'Sweet Escape Café' and she is a newbie author.
Wow! She is a writer. Interesting!
He scrolled again, and he saw her with Nana Amor. Hindi na siya nagulat. In the first place, alam na niya na anak ito ng nanay-nanayan ng kaibigan niyang si Rayven.
Sinirado na niya ang laptop pagkatapos ay inilagay sa table niya kung saan nandoon ang gamit niya sa office.
Napangiti siya ng makuha niya ang number ng babae sa pinsan niya. Kaagad niya iyong tinawagan. Babae ang nakasagot ng tawag niya at nasisiguro niya na hindi 'yon si Amora base sa boses ng nasa kabilang linya.
"Who's this?" Tanong niya sa magkasalubong na kilay.
"Good evening. This is Saffiya Griffin, assistant po ni Miss Amora Aguilar. How may I help you?"
Nasapo niya ang nuo niya ng wala siyang masabi. "I want to invest."
"I'm sorry to inform you, sir, but Miss Amora is not here."
Humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. "Where is she?"
"I'm sorry, sir-"
"One million for investment." Hindi na niya narinig ang nasa kabilang linya. Hindi siguro ito nakapaniwala sa sinabi niya.
"A-are you s-ure, sir?" Nasa boses ng kausap niya ang hindi makapaniwala.
"Ibigay mo sa akin ang bank account ni Miss Amora. I'll send the money first thing tomorrow."
YOU ARE READING
OBS 3: Our Sweet And Sour Love
RomanceWARNING: MATURED CONTENT INSIDE |🔞 OBSESSION SERIES #3 [Laurence Lime Samaniego] Laurence Lime Samaniego was a playboy, self-centred, charismatic, and talkative(tsismoso) like his friend, Noah. He was handsome with his green eyes and set of dimples...