Chapter 23: King's order
"How was Jihen?" agad na tanong ni Kazuki pag-pasok namin sa Cedar.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula 'nong nangyaring kaguluhan sa Canes at hanggang ngayon walang malay parin ang Prinsesa.
"Jihen was already okay." masayang kwento ni Kura.
"Nag-hihintay lang siya ng utos ni Sora na maari na siyang makalabas." dagdag naman ni Fuma.
Jihen was okay. She's already awake at unti-unti ng bumabalik ang nyxia niya ngunit nakapagtataka kung bakit tulog parin ang Prinsesa. Ngunit hindi na ako nag-tanong pa ukol dito. Palagi ring umaalis si Kazuki nitong nakaraang araw dahil sa pag-pupulong bawat Captain, 'yon ang sabi niya.
"We're going to the palace."
Napatigil ako at napatitig kay Kazuki ng banggitin niya ito. Napalaki naman ang mata nina Kura at Fuma. Tumango naman ito na tila alam ang pinapahiwatig ng titig namin. "Yes. The King was asking for the four of you, including Jihen. But... Jihen was still in Thalindra." dagdag niya.
"Is this about the Sunstones?" bulalas ni Kura.
Iyan din ang unang lumabas na dahilan sa utak ko. Sunstones or her daughter? It can be both.
Tumango naman si Kazuki. "He wants to know everything." tanging sagot niya.
"Ngayon naba tayo aalis?" tanong ko.
Umiling naman ito sa sinabi ko. "This afternoon. You can dismiss now." sagot niya sa akin.
Tumango naman kaming tatlo at sabay na umalis sa Cedar. Napalingon pa ako kay Kazuki bago tuluyang pumasok sa madilim na pasilyo.
He seems tired.
Is he okay?
"Kazuki seems bothered." biglang bulalas ni Kura. Patago namang akong napatango sa sinabi niya.
"Sa dami ba naman ng nangyayari, at isa pa... Fana is still sleeping. Siya ang itinakdang mag-babantay sa Prinsesa." sagot ni Fuma sa kanya.
"Hindi ko lubos maisip kong ano ang maramdaman ko mamaya. Ngayon ko lang makakaharap ang Hari." pahayag ni Kura.
Napalipat naman ang tingin ko sa kanila, "Ngayon lang ba 'to?" tanong ko.
Sabay naman silang tumango, "Fana is strong, Haruka. Palagi namang nasa tabi niya si Kazuki. Yet, Kazuki disappointed them. Hindi ko lubos maisip ang bigat ng nararamdaman niya ngayon, lalong-lalo na kung ano ang reaksiyon ng pamilya niya." Kura answered.
Napatango ako sa sinabi nila ngunit hindi na sumagot pa. What about his family? Muli akong napalingon at napahinto sa paglalakad.
Is he okay?
Did he blame himself?
Paulit-ulit naman akong napa-iling sa aking naisip. Bakit ko naman 'yon naramdaman? I don't really know what I feel these days.
"Punta kaming Orion, Haruka. Saan ka?" malakas na sigaw ni Kura ng makitang lumihis ako ng daan.
"Sa aking silid. Tawagin niyo lang ako." tangi kong sagot at muling naglakad.
Kita ko naman ang pag-nguso nilang dalawa at tumango. Nang makarating, agad ko itong binuksan at humilata sa kama. Napatitig naman ako sa kisame at tila hindi alam kung ano ang una kong iisipin.
Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya, hindi naman kami makikipaglaban o may bagong misyon. Makakaharap ko lang ang pinuno nitong emperyo na hindi ko man lang inasahang mararanasan ko. Malakas akong napabuntong-hininga at pinikit ang aking mata.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasyIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...