#CONFESS
-- KRISTINA--
"Simon?"
"Hm?"puno pa ang bibig nito ng pagkain.
Sinulyapan ko si Sandro na kanina pa matalim ang tingin sa aming dalawa ni Simon. Nasa kabilang mesa siya,at hindi ko kilala ang mga kasama niya.
"Si Sandro,ang talim ng tingin."
Simon smiled."I know,I am even wondering why he is here."
"Huh?bakit?"
"Hindi yan kumakain dito sa canteen ng building."
"Talaga?"
Simon nod.
"Sinusundan ka ata."aniyang nakangisi.
"Huh?ang labo naman nun,kanina nga lang,inaway pa ako dun sa taas."
"Really?"Sumandal siya sa upuan niya at nilingon si Sandro."Hey Sandro!"
Hindi siya pinansin ng kapatid.
Simon shrugged his shoulder.
"Lumipat na kaya tayo ng mesa?"
"No vacant Kristina,it's lunch time at isa pa,hayaan mo siya."
"Naiilang kasi ako e."
"Naiilang ka baka naalala ka na niya?"
"Hindi sa ganun,mukhang mainit kasi ang ulo niya ngayon,baka makasama pa ako sa paningin niya."
"Sandro's fine,don't worry.Ayaw niya lang talaga sa nakikita niya."
Huminga ako ng malalim at kinagat nalang ang inorder na burger.
"What a mess.."usal ni Simon sabay pahid ng tissue sa aking labi.
Bago pa man ako nakapag-react ay sabay na kaming napalingon ni Simon sa gawi ni Sandro,ng makarinig kami ng nabasag na baso.
"San---"
Tatayo na sana ako para saklolohan si Sandro ng pigilan ako ng nakangiting si Simon.
Umiling siya at sinenyasan akong bumalik sa pagkakaupo.
Nagtama ang mga mata namin ni Sandro ng tumayo ito bigla.
"Finish your food."Saad ni Simon.
Kakagatin ko na naman sana ulit ang burger ko ng matigilan ako.
"Enjoying your food?"
Nag-angat ako ng tingin at napalingon kay Sandro na nakatayo na sa gilid ko.
"Hey Sandro..wanna join us?"pilyo ang ngiti sa labi ni Simon.
Umigting ang panga ni Sandro.
"Let's go!"Bigla akong hinila ni Sandro.
"Teka sandal----"
Lumingon ako kay Simon,nagpapasaklolo, pero sumandal lang ito sa upuan,pinagkrus ang braso at nginitian ako.
Simon naman!!
"Sir--saan tayo pupunta?"Tanong ko ng mawaring papunta na kami sa parking lot.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. "Get in! and shut your mouth!"
"Pe-pero sir--"naumid ang dila ko ng isara niya ang pinto.
Umikot siya at pumasok sa kotse.
Dumikit likod ko sa upuan ng matapos paandarin ay pinaharurot niya ang sasakyan.
YOU ARE READING
Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) Completed
Romance"Mahal?mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako,Sandro!kailangan mo ng isang taong sasalo ng lahat ng frustrations mo!lahat ng problema mo,kailangan mo lang ng isang tangang katulad ko na handang ibigay ang buong sarili niya sa kama,para sa isang ka...