"Akala ko ba hindi na siya makakaalis sa araw na ito?" Tanong ni Johan kay Blain nang bumalik ito sa clinic at wala na si Valetta sa kama niya.
"Alam mo? Nagulat din ako na nakatayo pa siya, nakalimutan ko na hindi ko nga pala siya kilala at hindi ko alam kung ano ugali niya kapag lasing siya," paliwanag ni Blain.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, ang kailangan ko managot ka kapag namatay siya," tugon ni Blain.
"Huwag ka magalit sa akin, dahil kung namatay man si Valetta sa daan, hindi ko na kasalanan iyon, at kung mamatay man siya, sigurado ako na tayo ang unang makakaalam dahil mabilis kumalat ang chismis tungkol sakanya,"
"Hindi! Dapat kasi tinali mo siya sa kama, o binantayan! Hindi iyong pinababayaan mo ang mga pasyente mo!"
"Kailangan ko kumain at tumae, anong gusto mong gawin ko?!" bulyaw pabalik ni Blain kaya napatigil si Johan at natahimik. "Umalis ka na dito bago pa kita turukan ng anesthesia," utos ni Blain tapos tinalikuran na si Johan.
Wala namang nagawa si Johan at umalis na ng clinic. Lumakad ito papunta sakanilang club room sa Organization Building.
"Wala na si Valetta sa clinic," sabi ni Johan sa lahat kaya napatigil ang lahat sakanilang ginagawa at napatingin kay Johan.
"Paanong wala na?" Tanong ni Dave habang hawak sa kamay niya ang controller ng video games, naglalaro ito sa harap ng TV pero dahil sa balita ni Johan, agad niyang tinigil ang paglalaro.
"Hindi ko din alam kung ano nangyari, basta pagdating ko sa clinic wala na si Valetta ang ang IV fluids niya,"
"Buhay pa ba siya?" Tanong ni Tyson habang kumakain sa lamesa.
"Siguro, kasi wala pa akong naririnig na balita na may nangyaring masama sakanya,"
"So hindi ka sigurado na buhay pa siya?" Tanong naman ni Arthur habang may hawak na libro na binabasa niya.
"Hindi rin sigurado na patay na siya," sagot ni Johan saka nagkibit-balikat at umupo sa tabi ni Dave.
"Tawagan mo siya," sabi ni Arthur kaya lahat sila napatingin kay Arthur.
"May number ka niya?" Kunot-noong tanong ni Johan dito. Nanlaki ang mga mata ni Arthur at isa-isang tinitigan ang mga mata ng mga kaibigan niya.
"Oo," sagot nito.
"Paano?" Tanong ni Dave.
"Bakit?" Tanong ni Tyson.
"Kailan pa?" Tanong ni Johan.
"Ahm? Sa tingin ko alam niyo kung paano," Kunot-noong sagot ni Arthur kay Dave. "Kinuha ko galing sa information niya sa school dahil kaya ko. Bakit? Kasi kailangan natin parusahan si Johan. Kailan pa? Kanina lang, pero kung gusto ko, makukuha ko number ng lahat ng tao sa school na ito kahit kailan," mahabang paliwanag ni Arthur.
"Okay." tugon ng tatlo at inalis na ang tingin kay Arthur.
"Tawagan mo siya para malaman natin kung buhay pa siya," sabi ni Tyson kaya binigay ni Arthur ang number ni Valetta kay Johan.
"Mas gusto ko pa kung pinarusahan niyo na lang ako gamit ang mga kamao niyo kaysa yung ganito," sabi ni Johan at tinanggap ang papel kung saan nakasulat ang number ni Valetta, tinype nito sa phone niya ang number at agad na tinawagan.
Ilang sandali pa sinagot na ni Valetta ang tawag.
[Hello!]
"Valetta?" Tanong ni Johan habang nanlalaki ang mga mata, napatingin sakanya ang mga kaibigan niya at agad na lumapit para makinig.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...