Kabanata 6

2.1K 26 4
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin dahil sa nasaksihan ko. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang nakita o against ako sa mga same gender na magkarelasyon. I find it hot. Hindi ko inaakalang ang isang katulad ni Dalton ay mauuwi sa isang lalaki rin.

At ga'non din si Zillex, ni hindi ko nahalatang attracted sila sa ibang gender. Masyado silang maton sa paningin ko para akalaing may relasyon sila sa isa't isa.

Kaya ga'non nalang siguro ang mga aksyon ni Dalton pagkatapos ng may mangyari samin. He's guilty because he cheated again for the second time at sa iisang babae lang.

May bahagi sa akin mas lalong gustong mapursiging lumapit kay Dalton. Lumakas ang loob ko lalo't meron kaming nakaraan ni Zillex. Hindi ko alam kung normal na parehas ko silang gustuhin o sadyang masyado lang akong nalulunod sa makamundong pagnanasa.

I groaned helplessly. "Nababaliw na yata ako." ungot ko at inuntog ang sarili sa lamesa.

"What the heck are you doing?" napatalon ako at napahawak sa dibdib sa gulat ng matanawan sa harapan ko si Zellix at malamig ang matang nakatingin sakin.

Napatikhim ako at napaayos ng tayo bago bahagyang hinawi ang nagulong buhok. "B-Bakit ka nandito?" muntikan na akong napapikit sa katangahan.

Alangan nandito siya Faith! ano bang katangahan pinapairal mo?

"I didn't know that I'm not allowed here anymore?" his brow arched and lick his lower lip.

Agad naman akong napatingin 'don ngunit agad ring itinaas ang paningin sa mga mata nito. Napahawak ako sa aking batok at hindi alam ang gagawin lalo ng maupo siya sa upuan na nasa harap ko.

Tumikhim ako, hindi ko alam kung kakamustahin siya o tatanungin kung bakit umupo siya sa harapan ko.

"I know you're wondering why I'm here in front of you." he coldly gazed at me and folded his arms.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na magtaka kung kakausapin niya ako tungkol sa nakita ko kahapon. Wala sa plano ko ang sirain sila. I didn't know that Dalton was already taken.

"Are you really using your body to get a man?" he chuckled darkly and looked at me with a pure disgust written on his face.

Umawang ang labi ko at kumuyom ang kamao dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan bago ako pagak na natawa.

"What?"

He sighed and shook his head. "Do you think that Dalton will like you? You just a whore. A girl that willingly to open her legs for him."

Tila may dumagan sa aking loob dahil sa sinabi nito. Nanatili akong tahimik at hindi na naisipan pang sumagot sa sinabi nito. I was aware that I'm a totally whore. But to hear it from him, it feels like my dignity was shattered.

Agad akong tumayo at hindi pinansin ang tingin niya dahil sa ginawa ko. Mabilis ang lakad kong naglakad patungo sa isang cubicle at agad na sinarado iyon.

Sinapo ko ang aking mukha habang ramdam ang panlalamig ng aking kamay. Nasasaktan ako ngunit walang tumutulong luha mula sa mga mata.

Guess what? mukhang talagang sanay na ko.

Kahit anong sabihin nila at ibatong masasakit na salita ay hindi uubra sakin. Mas gusto ko parin ipagpilitan ang sarili ko sakanila. Hihintayin ko nalang ang magiging resulta ng katangahan kong gagawin.

Inayos ko ang aking buhok at muling mag-apply ng liptint sa aking labi upang hindi mahala ang pamumutla nito kanina.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago lumabas ng banyo. Mabilis ang lakad ko papasok sa susunod na klase. Masyado akong lutang kaya naman ilang beses akong natawag sa klase.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon