Chapter 6

90 2 0
                                    

"MISS, ipapaalala ko lang po sa inyo, na sabi mo ay ngayon ka pupunta kay Mr. Dawson," paalala sa kanya ni Saffiya ng makapasok siya sa opisina niya sa loob ng Café. "Sabi mo po ipaalala ko sa 'yo."

Pwede bang hindi? Sa isang linggong lumipas, hindi niya alam kung bakit palaging laman ng isip niya si Lime. Hindi ito nawala sa isip niya. Kung tutuosin, hindi na siya kailangang paalalahanan ni Saffiya dahil hindi naman niya nakalimutan na magkikita nga sila ng binata ngayon.

She had been counting the days for Pete's sake! Halos kulang nga siya sa tulog dahil excited siya na dumating ang araw na ito.

Napabuntong-hininga nalang siya. "Fine, fine. I'm going."

Kaagad siyang umalis sa Café para pumunta sa bahay ng binata.

Hindi man niya aminin sa sarili, excited siyang makita si Lime. Excited siyang makita ang gumugulo sa isip niya.

Nang makarating siya sa penthouse ng binata, panay ang pindot niya ng doorbell pero walang nagbubukas.

Kunot ang nuong sinubukan niyang buksan ang doorknob kung bukas ba ito, pero naka-lock. Napabuntong hininga siya at napailing-iling.

Tatawagan na sana niya si Saffiya para kunin ang cellphone number ng binata ng maalala niya na may binigay pala itong maliit na peraso ng papel sa kanya. Kaagad niyang kinuha iyon sa wallet niya at agad niyang si-nave at tinawagan ang binata.

Lumipas nag apat na ring bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Lime Samaniego speaking, who's this?"

Her heart instantly hammered inside her chest. Ang boses na 'yon.....Oh, God.

Inayos na muna niya ang sarili na para bang makikita siya ng lalaki saka tumikhim bago sumagot. "This is Amora. "

Nagpangiwi siya ng makarinig ng malakas na kalabog sa kabilang linya. Para bang may nabagsak na isang bagay. "Ano 'yon? What happened?" Tanong niya pero walang sumagot sa kanya.

Akmang ibaba na niya ang tawag ng marinig niya ang malakas na pagmumura ni Lime sa kabilang linya saka nagsalita ito. "Amora, nandiyan ka pa?"

"Oo, nandito pa ako." Ano bang nangyayari sa lalaking ito? "Ano 'yong malakas na tunog na narinig ko? Are you busy? Or are you with someone there? Wrong timing ba pagtawag ko?"

"No, no, no." Mabilis nitong sagot. "I dropped my cell phone and it went under the table. When I got it, my head bumped under the table. With the impact of my bump, the table moved so the vase that was on the side of the table fell."

Napakurap-kurap siya. "You dropped your phone?"

"Oo." Sagot nito. "Nagulat kasi ako na tumawag ka. I didn't expect you to call."

Nabitawan nito ang cellphone ng dahil sa tumawag siya? Hindi niya mapigilang mapangiti. "Epekto na ba 'yan ng hindi ko pagpaparamdam ng ilang araw? Ang lakas naman ng epekto ko kung ganoon." Biro niya sa binata.

Sa halip na pansinin ang biro niya, tumikhim ito saka nagtanong. "Bakit ka napatawag?"

Sumandal siya sa nakasaradong pinto ng penthouse nito. "Kasi narito ako sa harap ng penthouse mo. Kanina pa ako doorbell ng doorbell pero walang nagbubukas kaya naman tinawagan na kita." Paliwanag niya.

"Why are you there?" He asked confused.

"For your second baking class."

"Oh."

"Yes, Ooooh." Ungol niya at umirap siya sa hangin. Narinig niya naman ang malutong mura ng binata sa kabilang linya. "Well? Are you busy? Kung busy ka, puwede namang ipang paliban na muna natin 'to-"

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now