Chapter 17

27 4 0
                                    

Chapter 17


Stacia wasn't able to compose herself properly when all she could of was to see her son. Pansin naman iyon ni Jordan kaya binilisan na niya rin ang pagmamaneho. They were a few hours away from the hospital and it would take them a while just to get there, hindi pa nila maiiwasan ang traffic sa kalsada. Hinahawakan na lamang ng lalaki ang kamay nito upang mapakalma dahil nanginginig ito. Hindi niya maiwari kung sa takot ba o sa sayang nararamdaman.

She called Brian while on their way and confirmed to him that the news that reached her was right and he told her that Kian was awake and looking for her. At that moment, she look forward to talking, seeing, and hugging her son. There's nothing in this world that she would go after, but all those things altogether.

"Malapit na tayo," anunsyo ni Jordan. "Don't worry. . . You'll get to see your son and you'll be there in no time. . ."

Hindi naman sumagot si Stacia kay Jordan. Maingat ang pagmamaneho ni Jordan kahit na binibilisan nito ang pagtakbo marating lamang ang kanilang destinasyon. Nang sa puntong matunton nila ang kanilang patutunguhan ay maayos na ipinark ni Jordan ang sasakyan. Hindi na nakapaghintay pa si Stacia at tuluyan itong bumaba ng sasakyan at  nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Naiwan naman si Jordan at hinayaan niya itong puntahan ang anak.

Habang binabaybay ni Stacia ang hallway patungo sa kwarto ng anak ay naghahalo ang damdaming namumutawi sa dibdib nito. Sabik na sabik nitong tinahak ang daan hangga't sa marating nito ang kwarto. Napalingon sa kanya ang mga tao sa loob ngunit ang paningin ni Stacia ay nasa iisang direksyon lamang. Nang tuluyang itong pumasok sa loob ng kwarto ay nangingilid na ang mga luha nang makita ang anak na mulat na ang mga mata.

"Kian. . ." atas nito. Napatakip ito sa kanyang bibig at nakatingin lamang ang anak nito sa kanya. Kanya nitong niyakap hangga't sa humagulgol na ito. Naramdaman na laman ni Stacia ang pagpalibot ng kamay ng anak niya sa kanya. "Thank God. . ."

"Ma. . ." anito. "I'm okay. . ."

"I know. I know. I can see that now. . . I just want to hug you because there's nothing in this world I could trade for anything. . ."

Mga ilang minuto ang lumipas ay hindi umalis sa pagkayayakap si Stacia sa anak. She only parted away from hugging him to look in his face. Hindi pa rin mapiglan nito ang pag-agos ng luha nang ngitian pa siya ng anak nito. 

"How are you feeling now?" tanong ni Stacia.

"I'm okay. . ." tipid nitong sagot.

"That's good to hear. . ."

Mayamaya lamang ay lumapit si Brian sa kanila upang kamustahin sila. Alam ni Kian na hiwalay na ang kanyang mga magulang kaya naman nang makita niyang magkasama ito ay hindi niya mapigilang mapangiti. He knew that what happened to him won't make them get back together. Iba ang galak na nararamdaman niya gayong nakita niyang magkasama ang mga magulang.

"He was looking for you when he woke up," ani Brian. Hinahagod naman nito ang kamay sa likod ng babae. "He just couldn't wait to see you again. . . I'm really thankful Kian's okay now."

"Me, too. . ."

Saglit nang dumating si Jordan sa kwarto at doon napunta ang atensyon ng lahat. Ipinatuloy naman ito ni Stacia na pumasok at napansin nito ang ekspresyo na ibinigay ni Thamara na ngayon niya lamang muli nakita. Obviously, hindi pa rin nito gustong makita si Jordan matapos itago ni Stacia sa anak kung anong meorn silang dalawa.

Pansin naman ang pagtataka sa mukha ni Kian kaya naman inimbitahan nila ito na lumapit sa kama kung nasaan ang anak nito. Ipinakilala naman ni Stacia si Jordan sa kanyang anak ngunit tumango lamang ito.

VOLS 1: Stacia WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon