Barbie's World

6 0 0
                                    

Simula nang araw na yun, madalas na kaming tumambay sa New Building ,A.K.A. Building ng freshies at sophomores, tuwing uwian. At dahil may lahing chismoso si Popoy, alam na ng buong barkada na may type ako sa freshmen. 

" Haha, grabe Dere! Ano ba kasing itsura nang Barbie nayan?" tanong saakin ni Just habang nakatambay sa stone bench. Kumpleto ang buong barkada ngayon, Wala kasi silang gagawin ngayon, at dahil hanggang ngayon di pa rin nila nakikita si "Barbie". Hanggang kwento lang kasi kami ni Popoy tungkol sakanya.

Speaking of Popoy, naalala niyo pa yung peksman promise niya saakin last chapter?

Oo yun. 

Yung kapag nakakuha siya ng "chicks" sa freshmen, gagawa siya ng paraan para magkakilala kami ni "Barbie".

Well.. Hanggang ngayon kasi, hindi niya pa nagagawa pa yun. Mukhang mailap ang mga freshmen sakanya.

" Oh! Ayan na guys!" Mahinang sabi saamin ni Popoy. Nakita ko agad si "Barbie", bilis ng mata ko noh?Iba nga lang ang itsura niya ngayon.  Usually kasi naka lugay yung kulot niyang buhok, nagyon naka high pony tail at naka clip yung bangs niya. Ngayon ko lang napansin.... 

Ang lapad pala ng noo niya. HAHAHA

" Pre, nasan ba yung barbie?" bulong saakin ni Just.

" Yung naka pony-tail. Yung may malapad na noo."

Natawa si Just sa sinabi ko, at lalong natawa nang makita niya na si Barbie.

" Babaw mo ha?" Sabi ko kay Just nang makalagpas na ang grupo ni Barbie. Tawa parin ng tawa si Just, pati pala yung iba tumatawa na.

" Takte, mahilig ka pala sa E.T., Dere!" Asar ni Hugo saakin habang hawak ang tiyan niya.

" Grabe, dami kong tawa." Sabi ni Peds habang pinupunasan niya yung luha niya.

" HAHA Pero oy! Maganda si Barbie  nang una namin siyang nakita." Sabi ni Popoy nang mahimasmasan na siya.

Nagtinginan sila.

"HAHAHAHAHAHAHAH"

" Sige, sige... Ganyan kayo eh! Bahala na kayo diyan!" Sabi ko sakanila at tumayo na sa bench.

" Oh, san ka pupunta?" Sabi saakin ni Hugo.

" Uuwi." Nagtinginan sila.

"Yun na yun?" 

" Bakit? May gusto ka pa bang gawin?" 

Ngumiti ng nakakaloko sina Hugo, sabay hatak saakin.

" HOY!! OY!! OY!! Saan tayo pupuntaaa?!"

" Ilelevel-up ang pagkastalker mo" 

" LUH? Di ako stalker noh!" Tinawanan lang ako ni Hugo. Leche.

Hinatak nila ako papunta  sa basketball court ng school namin.

" Teka! Ba't tayo papunta dito?" Tanong ko sakanila

" Balita ko kasi nasa Volleyball team si Barbie." Sabi ni Hugo saakin.

" Pano mo nalaman?!"

Tiningnan ako ni Hugo na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Ahm, naka jersey siya ng Volleyball team natin Gago."

" Ay weh?" Binatukan ako ni Popoy.

" Ano ba yan Dere! Ang hina mo talaga. Palibhasa puro mukha niya tinitingan mo."

" Nadistract lang kamo sa noo."

Nagtawanan ulit ang barkada habang papalapit na kami sa court. Shet, pakiramdam ko tataob sikmura ko. Kinakabahan ako. As in  sobra.

" Pre, ayoko na. Pwede next time na lang??" Sabi ko sakanila 

" Wala nang next time Dere. This is it. Time shall come." Sabi ni Popoy.

" Ano daw?"

" Sabi niya wag ka ng pabebe." sabi ni Hugo at inakbayan ako.

" Ano Dere? Ready ka na?" Sabi ni Peds.

" Kelan ka pa naging interesado saakin?"

" Nakakita kasi ng Alien, pagbigyan mo na." Sabi ni Just.

Tang ina. Mga Gago talaga tong mga 'to.

Kilabot Ng Bayan (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon