Parinig Nga!

1K 76 47
                                    

Zaira's POV

Heto na naman sa school. Tss. I hate mondays talaga. Ugh!

Ano na naman kayang pinakikinggan ng mokong na yun? Hmmm...

Ako:(lumapit sa kanya at hinablot ang isang earphone sa kanang tainga niya) parinig nga!

Siya: (no comment at hinayaan lang ako sa ginawa ko.)

Aba! Lovesong na naman. Masyadong hopeless romantic naman ang isang 'to. Tsk tsk.

Nga pala siya si Jeffrey, lalaking silent type. Panay cellphone at earphones ang kasama habang nakaupo sa isang sulok at tahimik na nakikinig.

Laging ganyan yan kapag walang ginagawa sa klase.

Pero sa kabila ng pagiging tahimik niya, matalino at masipag siya sa pag-aaral. Nakikipag usap din naman siya sa mga kaklase namin. Napagtripan ko lang talaga siyang lapitan tuwing may pinakikinggan siya at nakikipakinig na din ako.

Maka LSS si koyaaa!

Nakatingin lang ako sa ginagawa niya habang nakikinig din sa pinakikinggan niya.

Siya: (biglang napatingin sa akin)

Ako: (nagulat at napatingin sa kanya)

Siya: (medyo na uutal at malumanay ang boses) b-bakit?

Ako: W-wala la-ang.

Siya: (pinaglaruan na lang ulit ang cellphone niya.)

Napatingin naman ako sa ibang kaklase namin na nakatingin sa amin. Bakit? Masama bang makipakinig sa pinakikinggan nitong si Jeffrey.

Classmate 1: Oy Zaira. Baka naman magkatuluyan kayo niyan ah? (Sabi ng kaklase naming babae at nakangisi pa sa akin)

Ako: (nagulat, nagtaka) Huh? Grabe naman. Hindi ah.

Siya: Aruuu!

Ako: (natawa na lang)

Siya: De joke lang Zaira. (Sabay peace sign at lumabas na ng classroom dahil recess na)

Na awkward-an tuloy ako, kaya inalis ko na ang earphone niya sa tenga ko at binalik sa kanang tainga niya.

Ako: (awkward) T-thank you.

Siya: (Ngumiti ng konti at tumango lang)

Umalis na ako sa tabi niya at bumalik sa upuan ko. Sa dulo kasi siya nakaupo.

Pagkaupo ko napatingin ako sa kanya. Hindi sinasadyang nagkatinginan kami at sabay pang nag-iwas ng tingin.

A-W-K-W-A-R-D!

Tumayo na lang ako at nakita kong tumayo din siya ngunit nauna siyang maglakad sa akin papunta sa labas. Inalis ko na lang ang pagka-awkward ko.

Naglakad ako palapit sa kanya pero hindi ako lumabas, nakatayo lang ako sa harapan ng bintana ng room.

Pagtingin ko sa ibaba nakita ko siyang nakasalampak doon habang nakikinig pa din. Ang tahimik talaga. Tawagin ko nga.

Ako: psst (tawag ko sa kanya)

Siya: (luminga linga sa paligid hinahanap yata kung sino)

Ako: (kinulbit siya sa ulo)

Siya: (parang nagulat na napatingin sa akin)

Ako: Parinig nga! (Sabi ko habang medyo nakayuko dahil nakaupo pa din siya)

Siya: (tumayo)

Biglang dumikit ang labi niya sa pisngi ko, yung parang kiniss ka sa cheeks. Shemay!

Ako: (nagulat)

Mga nakakita: (nakangisi) ayieee.

Aba at, kinatyawan pa kami.

Nagulat din siya sa nangyari agad na lumayo sa akin at pumasok sa loob ng room, at umupo na naman sa dulo ng upuan.

Feeling ko pumula ang pisngi ko. Shiz!

Nilapitan siya ng iba niyang kaibigang lalaki at sinabing...

B1: Mr.SilentType! (Sabay tapik sa balikat niya) aba at lumalovelife.

Siya: (umiling lang sabay nangisi)

B2: Tss galaw galaw din este magsalita ka din naman hahaha.

B3: Oo nga naman, baka maunahan ka pa diyan.

Siya: (Parang sumulyap sa akin)

Ako: (nag iwas tingin)

B1,2,3: Ayoooon! Hahaha.

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan. Bakit parang nasaktan ako ng sinabi sa kanyang baka maunahan ka pa diyan.

May nagugustuhan pala siya?!

Bago ako makalabas ng room ay napatingin ako sa kanya at nagkatinginan ulit kami. Anak ng! Bakit biglang kumalabog ang puso ko!

~~~

Uwian na ng hapon, nakita ko siyang paalis na. Nagkasabay pa nga kami sa paglalakad sa corridor. Nakikinig na naman siya ng music sa phone niya.

Always!

Lumapit ako saa kanya ng konti at..

Ako: Parinig Nga!

Siya: (nagulat, napalayo ng konti) H-huh?

Ako: sabi ko parinig ako ng pinakikinggan mo.

Siya: H-hindi pwede.

Ako: huh? Bakit hindi na pwede ngayon? Siguro may iba ka ng pinakikinggan diyan no?

Siya: H-huh? H-hindi ah!

Ako: (feeling close pa din) sus, sige na.

Nasanay na akong nakikipakinig at siguro naman siya din nasanay na sa akin sa ganitong bagay pero bakit ngayon bawal na? Lagi naman akong naakiki share noon sa earphone niya.

Ako: (bigla na lang hinablot ang earphone sa kabilang tenga niya sabay lagay nito sa tenga ko)

Siya: (parang natuliro at di alam ang gagawin) Hala! (Bulong niya)

Ako: (inayos ang headset sa tenga ko)

Napakinggan niya ulit ang kantang pinakikinggan ko kanina dahil sa paghablot niya na naman ng earphone ko sa kanang tainga ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Langya!

Sa word niyang Parinig nga! Naririnig ko ang kalabog sa dibdib ko,

Ako: (nagulat)

Mahal ko na yata siya... si asdfgh---!

Ako: (di na natapos ang pinakikinggan dahil...)

Siya: a-akin na na nga! (Sabay takbo palayo sa akin)

Sino kaya iyon? Hindi lang naman kasi ako ang nakikipakinig sa earphone niya.

END!


Parinig Nga ! (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon