PROLOGUE: Where are they?

610 22 11
                                    

Sigh!

While we were walking, after a short while, we suddenly heard a noise that seemed to be coming from the bridge. Kitang-kita dito sa kinatatayuan namin ang napakalaking tulay ng lugar na 'to, kaya it's imposible na 'di namin makita 'yon. I was relieved but what I saw, dahil kanina pa talaga ako nag-aalala't natatakot sa pagkawala ng mga tao dito. I thought it was rapture na.

Napagdesisyonan naming dalawa na magpatuloy sa paglalakad. We also need to do this din kase para makakuha ng information sa mga nangyayari ngayon. Maya-maya, naramdaman ko sa aking likuran na huminto si Aida sa paglalakad. "Huy, Helen. Sure ka ba talaga pupunta tayo 'dun? Baka bigla nalang nila tayong habulin tapos kagat-kagatin. Helen, ang dami ko pang pangarap sa buhay na 'di ko pa natutupad hanggang ngayon. Helen kailangan ko pang maging asawa si Taehyung in the future, Helen!" napaka-OA niyang paliwanag sa harapan ko. Lumingon ako at kinausap siya. "Aida, ano ba? Walang mangyayaring ganon. Halika na!" naiinis kong sabi. Napilitang tumuloy si Aida.

Hindi pa nag-iisang minuto, nakarating na kami sa tulay. Marami sila. May mga senior citizens, high school students, yung iba naman galing pa sa pamamalengke, drivers, construction workers, teachers, nurses, tambay lang sa kanto, may hawak na gitara yung tatlo ewan ko kung singer ba 'tong mga 'to o baka naakyat lang ng ligaw. Marami pa sila, ayoko nang isa-isahin pa. Makikita mo sa mga mukha nila ang pag-aalala, pagkatakot at pangamba. Yung iba naghahanap ng signal, yung iba tulala nalang. Iba't-ibang emosyon at expression ang pinapakita ng bawat-isa dito sa tulay na 'to. Mapapatanong ka nalang talaga ng, 'Nananaginip lang ba 'ko?'.

"Kanina pa po kayo dito?" tanong ko sa naka-jacket na matanda. He sat on the pavement, head bowed, appearing lost in profound thoughts. Umupo ako at tinabihan s'ya. "Lungkot mo naman po. Siguro, kanina pa kayo dito noh?" magalang kong tanong sa kanya. He nodded in response to my question. He took a deep breath and suddenly asked me. "Nananaginip lang naman tayo diba?"

Beep!

A long and loud horn awakened our attention from outside the bridge. Tumayo ako para silipin kung ano yung ingay na 'yon hanggang sa makita ng aking dalawang mata ang paparating na puting truck. I became curious about what I saw. Ano kayang meron don?

Maya-maya pa ay pumreno ang truck sa aming harapan. May biglang bumaba mula sa loob nito. Isang babaeng matangkad na naka-tuxedo.

 Isang babaeng matangkad na naka-tuxedo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Why is she wearing formal attire?

She's beautiful, with a well-defined nose. The way she carries herself suggests she might have important announcements to make. I'm also not sure if my suspicion is correct.

Maya-maya, may isa pang bumaba na galing din sa loob ng sasakyan. Malaking tao siya, maskulado. Damn! Naka tuxedo din? What's going on out here? Inabot ng lalaking 'to ang folder pad kay babae. Kinuha ni babae ang black ballpen mula sa kanyang bulsa. She wrote something in that folder, hindi namin alam kung ano 'yon. Akala ko naman dalawa lang sila. Maya-maya pa ay may tatlong lalaki pa ang nagsilabasan sa loob ng sasakyan. Binaba ng apat na lalaki ang long table galing sa loob. Sinunod naman nilang kuhain ang mga kahon at dahan-dahang inilapag sa lamesa. Mukhang mabigat ang mga kahong dala nila.

Empty AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon