06

286 8 0
                                    

06: Smell

Binasa ko muna ang pangalan ko na nakasulat sa ID ko. Sarah Roberto. Huminga ako ng malalim, well, third year student na ako. I better not mess this up. Nakakahiya kay tita.

Lumabas na rin ako ng kwarto pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko. Agad akong sumakay ng bus papuntanng University.

“Blooming ah, wait anong shade ng lipstick ngayon?” tanong ni Scarlet nang makasakay kami ng bus papunta sa Art building. Malawak kasi ang University namin. Hindi madadala ng lakad lang.

Pwede na nga kaming mamasyal nga dito sa loob eh. Kulang nalang rin magpatayo ng mall. Kaya nong grade 12 palang ako, gusto ko na talaga dito mag-aral.

“Elodia!” Pagtawag ko sa isa naming kaibigan nang makababa kami ng bus.

“Tara na late na tayo!” sigaw niya sa amin at tumakbo na kami papunta sa loob at napatakbo pa kami sa hallway papunta sa elevator. Hanggang 7th floor kasi ito at nasa 5th floor ang classroom namin.

After class ay tumambay na muna kami sa library. Sa 2nd floor at pinakadulo lang kami ng reading area tumambay.

“Kapagod. Ilang plates pa kaya natin?” tanong ni Scarlett at natawa kami ng mahina.

“Guys, research topic pa. May naisip na kayo?” tanong ni Elodia.

“Umaasa ako sa inyo,” sagot ko. “Ay bago ko makalimutan, isauli ko na muna ‘to.” Kinuha ko ang librong hiniram ko kahapon.

“Bakit hindi mo nalang nilagay sa book drop sa labas kanina?” tanong ni Elodia.

“Nakalimutan. Hayaan mo na,” sagot ko. Tumayo na ako at agad na lumapit sa counter.

Naghintay muna ako ng staff na lalapit sa akin kasi busy pa sila sa nakikita ko. Mukhang may pinaguusapan pa.

Napalingon naman ako bigla sa likuran at nakita ko bigla si Casey! Para akong naging yelo sa kinatatayuan ko lalo na nong napalingon rin siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin, hindi naman ako sigurado kung napalingon talaga siya sa akin.

Pero kahit na!

“Yes?” Mabuti nalang sa wakas may nakapansin na sa aking staff.

“I would like to return a book,” sabi ko.

“I would like to borrow this book please.”

I halted when I heard her voice! I know it's hers. Wag kang lilingon sa kanya!

“Oh good afternoon, Ms. Casey.”

Ang unfair sa kanya mag pagbati pa at smile. Ako parang kulang nalang murahin ako eh.

“Good afternoon,

Wag kang lilingon sa kanya.

“Hey, I said good afternoon.”

Wag ka talagang lilingon sa kanya at baka mapahiya ka na naman.

“You’re being rude right now.”

“Okay na miss.” Napalingon ako sa staff at agad akong tumango.

Pagkatalikod ko sa counter ay may bigla naman akong nakabangga sa harapan.

“Sorry,” sabi ko.

“You keep staring at me earlier and now you don't want to pay attention to me.”

Napaangat ang tingin ko at nakita kong si Casey na pala ito! Kanina nasa tabi ko lang siya ah! Parang hindi ako makahinga, parang may nakabara sa lalamunan ko bigla.

Ang lapit ko sa kanya!

“Ha ah…ikaw pala,” sabi ko. Nakakahiya ka talaga Sarah.

She smells sweet! She smells like caramel, sugary vanilla. But really her presence and scent is captivating.

Enchanting.

“Yeah…it's me.”

I don't know if it's just me but she sounds disappointed.

“Why are you ignoring me? I said good afternoon.”

I gulped at what she said. Nangyayari ba ‘to? O am I dreaming? or being delusional?

“Akala ko sa kanila,” sabi ko at sabay lingon sa likuran sandali.

“It was obviously for you,” sabi niya.

“Ah…”

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tinawag ng mga staff sa likod..

“Miss Miller!”

Agad akong lumakad palayo at bumalik sa mga kaibigan ko. Mabuti nalang malayo ang pwesto namin sa counter.

“You’re red. What happened?” Scarlett asked.

“Wala,” sagot ko.

“Nakita mo crush mo ‘no?” Nakangising tanong ni Elodia at agad akong umiling tapos kinuha ko ang tumbler ko at uminom ng tubig.

“May humabol ba sayong aso?” Natatawang sabi ni Scarlett.

“Ano na research topic natin?” tanong ko.

“Kumalma ka muna,” sagot ni Scarlett at napailing-iling silang dalawa sa akin.

If I have to make a move then dapat confident ako. Hindi ako dapat ganito.

“Nandito si Casey.”

Natigilan ako sa sinabi ni Elodia. Akala ko nga binibiro niya ako pero nandito nga sila Casey at mga kaibigan niya!

“Grabe nagsama lahat ng mga sikat dito,” sabi ni Scarlett.

“Kirsten is also here.” ani Elodia.

“Walang kakalma dito,” sabi ni Scarlett at agad ko silang sinaway nang tumawa sila.

Bakit kasi lumipat sila Casey dito. Sana hindi kami mapansin.

“Bakit parang nahihiya ka? dati game na game ka kapag tinutukso ka namin.” Natatawang sabi ni Scarlett.

“May nangyari ba?” tanong ni Elodia. Umiling agad ako at kinuha ang notebook ko.

“May quiz pa tayo mamaya,” sabi ko.

“Asus. Tawagin natin?”

Sinamaan ko ng tingin si Scarlett.

“Joke lang. Mag-aral na tayo.”

“Casey!” sigaw bigla ni Elodia kaya agad kong pinisil ang braso niya.

“Excuse me! Please observe silence!”

Rinig kong sigaw ng isa sa mga librarian.

“Ingay mo talaga,” sabi ni Scarlett kay Elodia.

Napasilip ako kayna Casey hindi naman sila nakatingin sa amin.

Ayoko na!


Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon