34

290 14 5
                                    

#Pangako

-Kristina-


Nagtama ang mga mata namin ni Trixie ng lumingon siya sa gawi ko.Nahuli niya ako at wala na akong pagkakataon pang umatras.

Lumapit siya sa akin at bago pa man ako makagalaw ay niyakap na niya ako ng mahigpit.

"Im sorry..."she sobbed.

Hindi ko alam ang isasagot ko.Naumid na ang dila ko.

"Wala akong intensyon na pumagitna sa pagmamahalan niyo ni Sandro.Naiipit lang din ako sa sitwasyon Kristina.Dahil nakasalalay sa pagpapakasal ko kay Sandro ang buhay ng lalaking pinakamamahal ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin,nagpahid ng luha at hinawakan ang aking kamay.

"Ipapakilala kita sa kanya.Halika."

Nagpatianod na ako.

"Tristan,mahal ko,si Kristina,kaibigan ko.Kristina,si Tristan ang lalaking pinakamamahal ko."

"He-hello.."usal ko.

"Naaksidente siya dahil sa akin Kristina.Nakipaghiwalay ako sa kanya nong huling usap naming dalawa,pero hinabol niya ako at dahil dun nabundol siya ng sasakyan,tu--tumilapon siya Kristina,at--at kitang-kita ko ang lahat,nag-nag agaw buhay siya sa aking harapan at dahil yun sa akin dahil sinabi ko sa kanyang magpapakasal ako kay Sandro at iiwan ko siya."

Tinakip niya ang mga palad sa mukha at humagulhol.Awang-awa ako sa kanya dahilan para maglandas na rin ang aking mga luha.

"Mahirap lang si Tristan kaya ayaw sa kanya ng aking mga magulang,kaya pinipilit nila akong ipakasal kay Sandro dahil yun ang tama.Ayoko pero...pero yun lang ang paraan para mabuhay ang taong mahal ko.Yun lang.Naiintindihan mo naman di ba?"

Hindi ako makatango,sobrang gulo na ng utak ko.

Nagpaalam ako sa kanya.
Gulong-gulo ang utak ko,ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Pagkalabas ko ay saka ko naman nakita si Maam Liza sa labas ng pinto.May kasama siyang sopistikadang babaeng kasing edad niya.

"Ngayon,alam mo na kung bakit kailangang matuloy ang kasal ni Sandro at Trixie.Kaya kung may natitira ka pang kunsensya,layuan mo na ang anak ko!"

"So you are the cheap other woman?hoy babae!huwag na huwag mong hatakin sa lusak na pinanggalingan mo ang pamilya ko!stay away from Sandro and stay away from my daughter!"saad ng babae na dinuro pa ako.

"Bakit kailangan niyong papiliin ang mga anak niyo?si Trixie bakit kailangan niyang magsakripisyo para mabuhay ang taong mahal niya,at Maam Liza..hindi ba pwedeng tulungan nalang ni Sandro si Trixie,huwag kayong madamot sa mga anak niyo at hayaan niyo silang maging masaya.."

"So you mean,dahil walang kakayahan si Trixie na bayaran ang expenses ng lalaki niya,si Sandro ang magbabayad pero sasama pa rin si Sandro sayo?ang kapal mo!"singhal ng ina ni Trixie sa akin.

"Hindi mangyayari yun kumare,dahil walang mahihitang pera si Sandro pag hindi siya tatantanan ng babaeng to!"

Nagpahid ako ng luha at nanunuyang ngumiti.

"Nakakaawa kayo,dahil lang sa pangalan,kapangyarihan,pati kaligayahan ng mga anak niyo pinakikialaman niyo.Si Tristan,ako,ang bababa ng tingin niyo sa mga katulad namin,ang damot damot niyo,wala kayong puso. Sana hindi dumating ang panahon na pagsisisihan niyo ang panghihimasok niyo sa buhay ng mga anak niyo.Sana lang."

Matalim lang nila akong tinitigan dalawa bago sila pumasok sa silid kung saan naroon si Trixie at Tristan.

Bumalik naman ako sa silid ni Sandro at umupo sa gilid ng kanyang kama.

Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) CompletedWhere stories live. Discover now