JUSTINE'S POV:
Tahimik ang buong room simula ng umalis sila Travis. Hindi parin humuhupa ang kaba na nararamdam ko para sa kanila. Gusto kong sumunod pero mas kailangan ako ng mga anak ko. Ayuko.namang iasa nalang sa mga kaibigan ko ang anak ko.
Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga negatibo. At hindi niyo din ako masisisi. Dahil gyera ang pupuntahan nila Travis.
Tinignan ko ang mga kasama ko. Nakahiga sa kama sila Stefy at Vincent. Pero magkatalikuran sila. Parehong mugto ang mga mata.
Si Natasha naman ay pinapatulog si Neo sa sofa habang hinihimas himas ang buhok ng anak niya.
Habang nasa lap ko naman si Trevor natutulog. Pinagmasdan ko ang mukha ni Trevor. Kamukhang kamukha niya talaga ang Daddy niya.
Pareho sila ng ilong, maging ang mga mata. Mahahaba ang mga pilik mata. Kahit shape ng mukha ay pareho. Kaya para talaga silang pinagbiyak na buko.
Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko 12:06 na pala.
Kaya naman pala nagugutom ako.
Kinuha ko si Trevor para ilipat sa kama kong saan naroon sila Stefy at Vincent.
Nilagay ko ito sa gitna nila.
"Magluluto lang ako ng tanghalian natin.." Pagpapaalam ko sa kanila.
Tumango lang si Natasha. Samantalang walang sagot ang dalawa.
Umakyat ako sa taas. Para magluto. Tinignan ko ang loob ng fridge kong ano ang pweding ulamin. May karne doon at may gulay.
Mag aadubo nalang siguro ako at gulay. Nagsaing muna ako habang prini-prepare ko ang lulutoin ko para sa adubo at gulay.
Nilibang ko lang ang sarili ko. Kahit papano ay nakalimutan ko sandali ang pag-aalala ko kila Travis.
Ilang minutes pa ay natapos rin ang niluluto ko. Kaya naghanda agad ako para makakain kami.
Pinindot ko ang intercom para tawagan sila sa baba.
Sinabi ko isama nila si Baby Jimen. Hindi ako sa mesa na nahahati naghanda. Sa isang mesa kami kakain.
Walang gustong magsalita saamin habang kumakain kami. Makikita mo na matamlay silang lahat.
Naunang matapos si Vincent. Kaya kinuha niya saakin si Baby Jimen. Ako naman ngayon ang kumain. Pumunta sila sa Baba. Kaya kaming lima nalang ang natira dito sa mesa kasama ang mga bata.
Hindi rin nagtagal. Natapos akong kumain. At habang naghuhugas ako ng kamay. Bigla kaming nakarinig ng sasakyan sa labas ng bahay.
Nagkatinginan kaming lahat. Mababakas sa mga mukha nila Stefy at Natasha ang saya. My god nandito na sila.
Ako ang unang tumakbo para salubongin sila Travis. Pagbukas ko ng pintuan. Natigil ako ng hindi pala sila Travis ang nasa labas ng bahay.
Dalawang sasakyan ang nasa labas ng bahay. At mga armadong lalaki ang sakay nito. Agad nila akong nakita.
Bigla akong kinabahan. Nang mamukhaan ko ang ibang mga lalaki. Mga tauhan ito ni Carl.
Bigla nilang kinasa ang mga baril na hawak nila ay itinutok saakin...
"Sila na ba ya—..." Hindi na matapos ang sasabihin ni Stefy ng biglang akong sumigaw.
"DAPA.." Sigaw ko.
Saka sinara ko ang pintuan ng bahay at bumalik sa loob.
Saka kami pinagbabarilin ng mga lalaki sa labas ng bahay.
YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Storie breviThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...