XVIII

14.9K 516 10
                                    

REN POV

Isang mahigpit na yakap ang nararamdaman ko ngayon sa pagtulog. Alam ko ang pakiramdam na 'to. Alam kong si Cyrax ang nakayakap sa akin. Miss ko na ang yakap nya ngunit hanggang panaginip lang mangyayari na niyayakap nya ako.

Tumulo na lang ang luha ko. Kahit ano mang pigil ang gawin ko ayaw tumigil.

" Shhhh Ren. Nandito lang ako " narinig ko ang boses ni Cyrax. Parang totoo.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Cyrax na nakatingin sa akin. Nasa gilid ko sya at halata ang pag-aalala sa mga mata nya.

Panaginip lang ito. Ipinikit kong muli ang mata ko at nandoon pa rin si Cyrax. It means na totoo ang lahat ng ito.

" Cyrax " hinawakan ko ang pisngi nya. " Cyrax, hindi ba ako nananaginip? Nandito ka ba talaga sa tabi ko? "

" Totoo ang lahat ng ito. Nandito lang ako sa tabi mo " mahigpit na yakap ang ginawa nya.

Mas lalo akong naiyak. Hindi na ba sya galit sa akin? Makikipagbalikan na ba sya? Paano na sila ni Tracy? Babalik ba sya sa akin?

" I love you Ren. I'm sorry for being a stupid boyfriend for you. Forgive me and give me another chance to prove how much I love you. I'm sorry Babe. I love you "

I love you. Ren. Babe. Ang tangal ko ng gustong marinig ang mga salitang 'yan mula sa kanya.

" I can't forgive you " humiwalay sya sa pagkayakap sa akin. Tumingin sya sa akin na halatang malungkot at dismayado sa sinagot ko.

" I know Ren but I'm still waiting for your forgiveness and for giving me a second chance in your heart, in your life. " he said. Namumuo na ang luha sa gilid ng mata nya.

" I can't forgive you dahil wala ka namang ginawang masama sa akin " napatingin sya sa akin.

" I love you Cyrax. I love you my hubby. Babalik ka na ba sa akin? Akin ka na ba uli? " tanong ko sa kanya.

" Of course I'm only yours and your mine " sabi nya saka sya humarap sa akin.

Nakadantay ang braso ang kamay nya sa magkabilang taas ng braso ko ngunit magkadikit ang katawan namin. Kita ko ang pagmamasid nya sa labi ko.

" Paano naman si Tracy? Nakita ko kayo na palaging--- " hindi nya na pinatapos ang sasabihin ko.

Nararamdaman ko na naman ang labi nyang inaangkin ang labi. Wala na akong nagawa kung hindi sumabay sa mapupusok na paghalik nya. Ibinaba nya pa ang labi nya patungo sa leeg ko at naramdaman ko ang pagpasada ng halik nya dito.

Hinawakan ko ang pisngi nya at mabilis muli syang hinalikan. Mahal na mahal ko ang taong ito.

" Ren, You're fcuking hot " he said between are kisses. He leaned his forehead into mine. " I miss you so much. I love you Babe "

" I miss you too and I love you more Hubby. Wag ka ng aalis sa akin. Wag mo na akong iiwan " may pangingiusap sa boses ko.

" Hindi na muulit itong pananakit ko sa'yo. Pangako. " saad nya at hinalikan ako sa noo.

" Pero sana sabihin mo sa akin ang totoong nangyayari sa'yo. Please, huwag ka ng maglihim sa akin dahil 'di ko alam ang gagawin ko kapag naulit muli ito. Ren, alam mo kung gaano kita kamahal at kung may mangyari pa sa'yo na wala ako sa tabi mo, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko" ani nya at niyakap ako ng mahigpit.

Nakonsensya ako dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit kami nag-away. Pero pakiramdam ko, sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nangyari ito sa akin.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon