NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Amora sa matiim na titig ni Lime habang nakatingin siya sa kalangitan dahil sa mga fireworks. Mula sa bintana ng sinasakyan nilang ferris wheel kitang kita niya ang mga tao at ang makukulay na fireworks sa kalangitan. Halos by partner ang lahat ng nakasakay dito at hindi niya alam kung plano din ba ito ng binata. Sabi lang sa kanila kanina ay promo daw ito para sa mga may partner. At ang walang hiyang lalaki hinila nalang siya bigla papasok.
Gusto na niyang takpan ang mata ni Lime dahil kanina pa siya naiilang sa titig nito. Ayaw niyang salubungin ang mga titig nito dahil bumibilis ang tibok ng puso niya at ayaw niyang maramdaman 'yon.
Hindi iyon makakabuti sa kanya. Lalo lang papalalain ang sitwasyon niya.
"Nakasakay ka na ba ng ferris wheel?" Biglang basag ni Lime sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Oo,"sagot niya habang nakatingin pa rin sa kalangitan. "High school at College ako noon. Kasama mga kaklase ko at ang boyfriend ko."
"Boyfriend?"May talim ang boses nito na ikinakunot ng nuo niya. "Hindi nagagalit ang mommy mo kapag kayong dalawa lang ng boyfriend mo?"
Natatawang binalingan niya ang binata. "Hindi. May tiwala naman si mama doon. Saka alam naman namin ang tama sa mali. Jay was my first boyfriend.
Nag-break na kami.""Oh." He sounded reliev. "Bakit kayo naghiwalay?"
Nakaharap lang siya sa labas bago sumagot para hindi nito makita ang lungkot sa mukha niya. "Kasi habang tumatagal ang relasyon namin ay nag-iiba ang gusto niya. Kaya naghiwalay kami."
"Kung ganoon hindi ka niya mahal dahil sinayang niya ang pinagsamahan ninyo. Kung baga nakulangan."
Nakakunot ang nuong hinarap niya ang binata. "At sino ka para sabihin sa akin 'yon?"
"I'm your greatest nightmare, babe." Bumuntong hininga ito saka sumandal sa railing. "At saka nasabi ko iyon dahil kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya iiwan kahit ano pa man ang pagsubok sa buhay." Nginitian siya nito. Kitang-kita niya ang mapuputing ngipin ng binata. "Anyway what's your favorite food?" Pag-iiba nito ng usapan na ikinahinga niya ng maluwag.
"Slum book ba 'to?"tanong niya.
"Yes. I want to know you and your favorite."
Mahina siyang natawa."For what? e last na natin 'to."
Inungusan siya nito. "How sure are you?"
"One hundred percent sure." Confident niyang sabi. "Saka hindi ka matinong kausap. Parati mo nalang dinadaan sa biro."
"Matino akong kausap. Pero minsan hindi dahil may binabagayan ang pagka-matino ko. Depends on the person."depensa nito sa sarili habang nakatitig sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. "So sinasabi mo na hindi bagay sa akin ang pagka-matino mo?"
Mahina itong tumawa. "Wala akong sinabi. Ikaw lang nag-iisip niyan."
"Dahil iyon ang totoo."
"Dinadamdam mo na naman. Isipin mo nalang na kasama mo ngayon ang poging crush mo." Sabi ni Lime saka kinindatan siya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.
Nag-iwas siya ng tingin saka ibinaling ang mga mata sa mga batang masasayang naglalaro. "Sana ganyan lang kagaan ang buhay."
"What?"
Bumaling siya sa binata. Parang tumalon ang puso niya ing mahuli itong titig na titig sa kaniya.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya ng lumipat ito ng upuan at tumabi sa kanya.
YOU ARE READING
OBS 3: Our Sweet And Sour Love
Storie d'amoreWARNING: MATURED CONTENT INSIDE |🔞 OBSESSION SERIES #3 [Laurence Lime Samaniego] Laurence Lime Samaniego was a playboy, self-centred, charismatic, and talkative(tsismoso) like his friend, Noah. He was handsome with his green eyes and set of dimples...