CHAPTER 1: the beginning of the disaster
CLARA'S POINT OF VIEW
nandito ako sa loob ng surgery room, ilang oras na akong nakatayo at ramdam ko na ang pagod ko sa aking buong katawan dahil sa 3 oras na kami dito ngunit hindi ako titigil kung hindi ko maililigtas ang aking pasiyente na may tama ng tatlong bala sa kaniyang parteng tyan, nakuha namin ang tatlong bala na hinahanap namin sa tyan nito, another surgery na ang nagawa ko ng succesful.
"Congrats doc Gutierrez!" bati sa akin ng kasama kong nurse "walang kupas talaga ang nag-iisang doc beauty namin!" "the best talaga!" napangiti ako sa puri ng mga ito sa akin, napakasarap talaga na marinig sa tenga ang mga ganitong salita sa kabila ng lahat ng pagod na nararamdaman natapos ko na naman ang aking trabaho ng succesful.
Tapos na nga namin ito sa pagtatahi ng sugat, sinabihan ko sila na maaari na nila itong dalhin sa kwarto nito.
Lumabas na nga ako ng operation room at agad na akong sinalubong ng pamilya nito "kamusta po yung asawa ko, doc?" maluha-luha nitong sinabi sa akin "ayos na po ang lagay ng pasiyente, succesful po namin nakuha ang bala kaya wala na po kayong dapat ipag-aalala pa." ngumiti ako dito at kita ko naman ang pag-gaan ng loob nito "maraming salamat po talaga doc" ngumiti na lang ako dito, napatingin ako sa kung saan may dalawang police ang nasa gilid na nag aantay ata sa pasiyente ko na inoperahan ko lang kanina, tumango sa akin ang mga ito kaya naman ay nagpaalam na nga ako sa mga ito na mauuna na ako.
Naglalakad nga ako sa hallway at sinabayan ko naman ng pag-iinat ng katawan ko dahil sa tatlong oras ako na naka-tayo, tiningnan ko nga ang oras sa aking relo at 9:30 na pala...
wait.. 9:30? ay shet, may date pala kami ng boyfriend ko ng 7:30 "shit" bulong ko sa aking sarili.
May isang pamilyar nga na boses ang tumawag sa pangalan ko "laraaa!!" yinakap nga ako nito sa likod, si Brielle pala "congrats lala, succesful pala ang operasyon mo!" sobrang sayang bati nito sa akin "thank you, bri kailangan ko na mauna may date pala kami ni Vince, hindi ko na naman siya na sipot, magagalit na naman sa akin yon!" aakmang aalis na sana ako ng tinawag pa ako nito "ay oo, si Vince andyan pa yon, mga 8:00 ata yata dumating? tinext na ako kaso hindi ka daw nagrreply" nagpaalam nga ako dito pagtapos niyang sabihin sakin, for sure magtatampo na naman sa akin yon, biglaan rin kasi kanina e kaya hindi ko na namalayan yung ikot ng oras..
Dali-dali nga na sumakay ako ng elevator hangang sa na dudungaw ko na nga ang exit, nakita ko na rin siya na naka upo sa harap ng kotse nito, nakita niya nga ako kaya dali dali ako pumunta sa direksyon nito, nang malapit na ako rito ay agad akong nagsalita "sorry, may-" na agad niya namang pinutol ang pagsasalita ko "lagi na lang ba talaga tayong ganito? pang-ilan na to na ginawa mo sakin Clara?" hindi ko naman sinasadya na may dadating ng O.R kada mag-aaya siya sa akin e, hindi ko rin naman pwede na pabayaan lang yon e.
"sorry, busy schedule ko kasi this week.." mahinang boses na sinabi ko sa kanya "sanay na ako, lara," bumuntong hininga nga ito "sanay na sanay na, ako." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya wala akong nagawa kundi itahimik na lang ang sarili ko ng hindi na palalain yung eksena namin ngayon "kung wala ka sa loob ng operation room, andoon ka sa loob ng condo mo busy sa pagsusulat ng libro mo na hindi mo na ko mabigyan niyang tanginang oras mo e," disaster. "tangina naman clara, ilang buwan na tayong ganto? pagtapos ko ma reject sa tanginang proposal ko na yan sayo, yung actions mo simula non puro na lang ganito, nakakasawa."
hindi ko na pala nararamdaman na tumutulo na pala ang luha ko sa mga salita nito na sinasabi sakin, nag propose kasi siya sa akin, isang (1) taon na ang naka lipas ngunit hindi pa nga ako handa noon dahil sa ang taas pa ng pangarap ko na gustong gusto kong ma abot, hindi ko namamalayan sa sobrang gusto ko rin ma abot ang pangarap ko ay nakakalimutan ko na bigyan ng oras si Vince.
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
FantasyA forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...