-------------------------------------------------------------------------------------> Si Kiko po ung nasa gilid
[Pahiya ang lola niyo!]
Sabado ngayon at napasarap ata ako sa tulog.. 1:00 na kasi ng hapon ehh.. syempre alas 3 na ng madaling araw ako nakatulog ehh..
Naligo na ako dahil wala akong balak na magstay dito sa bahay.. nakakabagot..
*tok tok*
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ko..
"sino yan?"
"bebe it's me."
Si kuya pala.. Sya lang kasi natawag sa akin ng 'bebe' saka si.. Nevermind.. Bebe ang tawag nya sa akin tas bunso ang tawag nya kay Jane..
"bukas yan kuya.. pasok na."
Nakangiti sya habang nalakad palapit sa akin..
"gising na pala ang bebe ko! kanina pa ko nakatok dito ehh.. buti naman at gising ka na.. tara kain na tayo ng lunch.. "
"a-h ah eh kuya.. mauna na kayo.. an-ano kasi .."
"Don't worry nakaalis na sila mom at dad.. nagpunta silang Palawan then dederetso na daw sila sa italy.. baka nga daw magtagal sila doon ehh"
Lumungkot ang mukha ko.. Umalis na naman sila.. Ganon naman palagi ehh.. one day lang silang nagtatagal .. ang pinakamatagal na nilang stay dito sa Pinas ehh 5 days tas lagi pa silang busy.
"Oh ! bat malungkot ang bebe ko?"
"kuya.. galit pa ba sakin si .. si dad?"
"julia.. alam mo naman ung ginawa mo.."
"hays.."
"ocia tara na kain na muna tayo.. mamaya ka na maligo.. pag di ka sumabay sige ka.. magtatampo sayo si KUYA."
Unti unti akong ngumiti.
"sige na nga" tumakbo ako"mahuli maghuhugas!!!" pagbibiro ko.
"haha madaya ka bebe ha!!!"
Bumaba na kami ni kuya. Naabutan kong nakaupo doon si Jane. Nakatulala at mugto ang mata. Kasalanan ko to ehh :(
"Hi bunso! tara let's eat na!!! oh bebe maup ka na.."
Naupo na ako sa tabi ni kuya. kaharap ni kuya si jane.
"Kuya alis na ko. Wala akong ganang kumain.. dun nalang ako kila Miles kakain."
"teka naman bunso-"
Tumakbo na si Jane palabas ng bahay.. Alam kong galit sya.. Sino nga bang hindi magagalit ehh sinira ko ang birthday nya.. HAYSSSSSS!!!
Di naman ako ang sumira diba? Ung anak ng bisita nila daddy . Si chinito at si Super arte. Oo inaamin ko kasama ung mga kaibigan ko pero hindi naman gagawa ung mga yun ng gulo kung walang dahilan ehh..
"oh bebe kain na"
Nagnod nalang ako.
Matapos naming kumain ay naglakad na ako pabalik sa kwarto ko.. pero bago ako makabalik ay napatingin ako sa Picture frame namin ni jane..
Magkasama kami doon.. Masaya.. Simula nung bata pa kami doon ehh.. Super close namin.. Dati.. dati lang yun.. Marami ng nagbago.. Sobrang dami na.. lalo na sa buhay ko..
--
M O N D A Y
Pumulot ako ng bato sa may garden namin.. Bakit?! wala lang feel ko lang mamulot ng isang bato.. Tumingin ako sa langit.. Maganda ang araw ngayon.. maglalakad nalang ako papasok.. Maaga pa naman ehh..