Chapter 28: Jealousy
Written By BlackRavenInk16Nagulat si Rio nang pagbukas niya ng ilaw ay bumungad sa kanya ang tatlong amo niya na nakaupo sa sofa. Ang buong akala niya ay tulog na ang mga ito dahil patay na ang ilaw pero mukhang inaabangan pala siyang umuwi ng mga ito.
"BAKIT NGAYON ka lang umuwi?" nakasimangot na tanong ni Leandro nang tumayo at lumapit ito sa kanya.
Ewan pero kakaiba ang awra nito ngayon. Parang nakakatakot. Para siyang may nagawang masama kung titigan siya nito ng matalim.
"May school projects pa po kasi kami, Sir. Nagpractice din kami para sa presentation na gagawin namin bukas. Pasensya na po, hindi ako nakapagsabi. Nalowbatt po kasi ang cellphone ko." Nagyuko siya ng ulo. Kinakabahan siya kahit wala naman siyang ginagawang masama. Bakit parang may kakaiba rito? Hindi naman ito lasing.
"Sir? You're calling your boyfriend as sir? Do you really think of me as your boyfriend ha, Rio?" parang nanghihinakit na tanong nito.
Kumunot ang noo niya. Bakit parang galit ito?
"'Di ba sinabi ko na po ang dahilan kung bakit? Ayaw ko pong masanay na hindi kayo ginagalang," sabi niya na pinilit na kinalimutan ang kaba. Ayaw niyang mahalata nito na natatakot siya at baka kayan-kayanin lang siya nito.
"Did you even listen to what I've said that you're not allowed to talk with other men?"
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang hinawakan siya ng mahigpit ni Leandro sa siko.
"Ano pong pinagsasasabi ninyo? Wala po akong kinakausap na ibang lalaki!" naiinis nang pagsisinungaling niya.
Tumawa ng nakakaloko si Leandro. "You're lying. Carl, isn't he? Cute ba siya sa paningin mo? Crush mo?" mapait na tanong ni Leandro.
Nanlaki ang mga mata niya. Paano nitong nalaman iyon?!
"Paano n'yo pong nalaman ang tungkol sa kanya? Pinapasundan n'yo po ba ako?!" Kinilabutan siya sa naisip.
Ngumisi ito. "Do you think that I still need to do that if I own the school where you're studying at?"
Lalong kumunot ang noo niya. "Nagsisinungaling po kayo. Nakita ko na ang may-ari ng school na iyon. Matandang lalaki siya --"
"What if I tell you that I brought your school from that old man? Just to get a glimpse in your every move! But unfortunately, nakita ko mismo kung ano ang kinatatakutan ko sa mga cctv na nakainstall doon! You're talking with other men!" Lalo lang sumigaw si Leandro.
Kinakabahan na siya sa reaksyon nito. Parang hindi naman ganito ang Leandro na iniwan niya kaninang umaga. Ngayon para itong halimaw na mananakmal kapag may nasabi siyang hindi nito magugustuhan.
"Hindi po ganito ang ineexpect ko no'ng nakipagrelasyon ako sa inyo! Wala po sa usapan natin na pasusundan ninyo ako! Kung ganito lang din po pala kayo Sir Leandro, gusto ko na lang makipagbreak!" pagsigaw na niya.
Lalo lang nagalit si Leandro at tumalim ang tingin nito.
"You're insane if you think that I will let you escape from me, Rio! You're mine!"
Saka siya nito kinorner sa pader at pwersahang hinalikan sa labi!
Tinutulak niya ito pero parang bakal ang isang kamay nito. Masyado itong malakas! Sapat na ang kaliwang kamay nito para hindi siya makawala!
At ang halik nito, masyadong mapusok! Kahit ano'ng iwas niya sa mukha niya, hinaharap nito iyon ng isang kamay nito. Binuka nito ang bibig niya saka nito marahas na pinasok ang loob ng dila nito sa bibig niya. Nalasahan agad niya ang mamasa-masang dilang iyon na mabilis ang paggalaw. Hinihigop ang dila niya papunta rito!
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!