Chapter 1

2K 14 1
                                        

"Huy, kanino 'yan? Nag-check in ka ro'n nang hindi mo sinasabi sa'kin, ha?"

Mabilis kong itinago ang key card mula sa hotel na pinuntahan ko. Sinita ko agad si Zie dahil masyado siyang malakas magsalita baka may makarinig.

"Sinong kasama mo ro'n? Wag mong sabihing may boyfriend ka na?" sabi niya sabay takip pa sa bibig niya, parang gulat na gulat.

Inirapan ko lang siya.

Hanggang ngayon, wala pa akong sinasabi kahit kanino tungkol sa nangyari apat na buwan na ang nakalipas. Ayokong pag-usapan din iyon nakakahiya. 

"Hindi 'to sa'kin," pagsisinungaling ko.

Bakit ba kasi nagdala pa ako ng ebidensya galing doon?

"Eh kanino galing 'yan? Imposibleng napulot mo lang 'yan," pangungulit ni Zie.

Pag-uwi ko sa apartment nung umagang iyon, hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang nangyari. Sinabi ko lang na tulog na siya nang dumating ako. Ayokong pag-usapan pa rin iyon.

Si Zie ay pinsan ko, at magkasama kami sa apartment, kaya hindi ako sanay magsinungaling sa kanya.

Binasa ko ulit yung key card na hawak ko.

"Diba binabalik 'yan?" tanong ni Zie sa'kin.

"H-Hindi ko alam. Hindi naman 'to sa'kin," sagot ko.

Agad niyang kinuha ang key card mula sa kamay ko.

"New Coast Hotel? Diyan lang 'yon, diba?"

"Ano nga pala gusto mong ulamin natin mamaya?" pag-iiba ko ng usapan.

"Kung anong meron. Sandali muna, ah," sabi niya. Tumango na lang ako at huminga nang maluwag. Tiningnan ko ulit yung key card bago ko inilagay sa wallet ko.

"Ara, sumama ka sa amin mamaya ah," aya sa'kin ni Jeska na hindi nauubusan ng lakas kakadaldal.

"Saan ba 'yan?" tanong ko habang may sinusulat sa binder.

"Gago, may poging prof tayo," excited na sabi ni Zaira bago umupo sa tabi ko.

Naririnig ko silang nag-uusap habang nagsusulat ako. Mas naka-focus ako sa iniisip ko tungkol sa magiging thesis title namin para sa upcoming defense.

"Gago, sino daw?" excited na tanong ni Crissie.

"Sabi ng ibang section."

"Ara, siya na lang kunin nating adviser para sa thesis ah," sabi ni Zaira.

Tiningnan ko lang siya sabay tawa.

"Basta pogi eh, no. Sige," sabay naming tawa. 

Apat kaming nasa thesis group. May apat na title kaming inihanda, at kailangan naming ipacheck sa tinatawag na gwapong professor.

"Good morning."

"Customer Segmentation and Sales Prediction—"

Huminto ako sa pag-iisip tungkol sa title nang biglang kumabog ang dibdib ko. Pamilyar ang boses niya, kaya napatingin ako para makasiguro.

"Tangina, ang pogi," mahinang bulong ni Zaira.

Lahat ng naririnig ko sa paligid ay ang malakas na tibok ng puso ko. 

Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kaba. Nakita ko siya ulit—yung lalaking ginamot ko ang kamay, yung lalaking nakasama ko sa hotel. Nasa harap ko siya ngayon.

"I'm your new professor in Algorithm. I'm Danel Kai Anderson. You can call me Sir Kai," pagpapakilala niya habang nililibot ang tingin sa buong klase.

Agad kong niyuko ang ulo ko at hinawakan ang noo ko bago pa man siya mapatingin sa pwesto namin.

Professor After DarkStories to obsess over. Discover now