Chapter 25: Dreris

6K 153 3
                                    

Chapter 25: Dreris


Hindi pa sumisikat ang araw ay naka-alis na kami sa Solstice. Sakay ng isang karwahe tahimik kaming nakasakay ngayon patungong Dreris. Ang Dreris ay isa sa pinakamalapit sa Solstice, kaya ito ang una naming pinuntahan.

Tahimik naman na natutulog si Kura at Fuma na mag-katabi habang walang-imik kaming dalawa ni Kazuki. Hindi ko rin mawari kung ito ba ay natutulog o hindi.

I can't read his face, I can't read him. Kanina pa siya tahimik at walang kibo na tila ba malalim ang iniisip. Gayun-paman, pinikit ko ang aking mata at nag-kunwaring natutulog. Hindi ko rin naman ma-eenjoy ang tanawin sa labas dahil walang mga ilaw ang nanggagaling sa mga dinadaan namin. Kung meron isa o dalawa lang bawat liko.

"Are you asleep?" dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko ng marinig ang boses niya.

Kahit hindi niya nakita, umiling ako. "Why?" sagot ko.

"What are your thoughts about the Sunstone?" tanong niya.

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa harap. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Isa lang naman akong Sentinel, naiiba ang pananaw namin ukol sa Sunstone.

"Hindi ko alam." mahina kong saad.

Rinig ko ang malakas niyang buntong-hininga." We planned to destroy it."

Mas lalo akong natahimik sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang itutugon ko.  Ngunit, makalipas ang ilang minuto ay binaling ko ang tingin sa kanya. "Do you have any wants that you wish to fulfill?" pag-iba ko.

Nagtataka itong tumingin sa akin. "What do you mean?" kunot-noong tanong niya.

"A wish?" tipid kong sagot.

Hindi ito sumagot sa akin ngunit nanatiling nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko, "Salamat sa mga laruang ibinigay mo sa mga bata." dagdag kong sambit.

"I want to keep those smiles." sagot niya sa sinabi ko.

"Keep those.. then." tanging sambit ko.

Muling namayani ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko rin alam kung ilang oras bago kami makakarating sa Dreris.

"A penny for your thoughts?" hindi ko mapigilang mai-tanong. 

Binaling muna niya ang tingin sa akin bago ibinalik sa harap, "Being a Captain is never been easy." tanging sagot niya.

Base palang sa nakikita ko sa kanya alam ko na ang ibig niyang sabihin. Minsan nakikita ko itong tila may malalim na iniisip, o di kaya kausap ang ibang Sentinel ng Cronus na nakakunot ang noo.

Akmang sasagot ako ng muli itong mag-salita, "I want to keep them safe, I want to keep the tranquillity of our Empire, I want to help other people. I want to be someone who is useful... someone that they can lean on." dagdag niya at muling napabuntong-hininga.

"You can't help everyone... and save them. You just need to accept that everything happened to make a purpose." hindi ko alam ngunit 'yon ang lumabas sa bibig ko. "Don't be hard on yourselves, you're still a child." dagdag ko.

"As you are." agad na sagot niya.

"Yeah, I am." tipid kong saad.

Muling namayani ang mahabang katahimikan sa aming dalawa, ngunit hindi gaya kanina alam ko ang iniisip niya. He's afraid.. not to fight but to the safety of his comrades. He look so cold outside with those emotionless eyes and cold stare but he's warm.. really warm inside.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon