Goodbye Highschool

176 10 4
                                    

"Congrat's Anak!", pagbati ng kanyang ina, sabay halik at yakap ng mahigpit sa kanya.

Katatapos lang ng kanilang highschool graduation. Kasalukuyang naglalakad na sila pauwi sa bahay nila.

"Thank you Lord!", napalakas na bigkas ni Cha habang nakatingin at nakangiti sa kalangitan.

"Cha, nga pala ang lolo mo na daw ang magpapaaral sayo sa College kaya dun ka muna tutuloy sa kanya pag papasok ka na", sambit ng kanyang ina.

"Sige nay! walang problema", mabilis na pagsagot niya.

Alam ni Cha na hanggang highschool lang sya kayang pag aralin ng mga magulang niya. Wala naman kasing permanenteng trabaho ang mga ito.

Hinawakan niya bigla ang kamay ng kaniyang ina. At medyo napatigil sila sa paglalakad.

"Nay! Thank you ha? salamat sa inyo ni tatay, para sa inyo tong pagtitiyaga ko sa pag aaral", bigkas ni Cha na medyo nangingilid ngilid pa ang luha.

"Ang drama mo naman 'nak, halika nga!", sambit ng kanyang ina, sabay yakap at halik ulit sa kanya.

"Tara na 'nay! dito pa tayo nagyayakapan sa kalsada, hahahaha", sabay silang nagtawanang dalawa.

. . . . . .

"CONGRATULATIONS!", sabay sabay na pagbati ng tatay at mga kapatid nya.

Pagpasok na pagpasok pa lang sa pinto ay bumungad na ang mga ito sa kanya. Napaluha siya. Masayang masaya sya.

"Thank you! nakakainis naman kayo pinapaiyak nyo ko ih!", nagmistulang bata na naman si Cha.

Sabay yapos sa kanya ng kanyang ama na para syang binebeybi.

"Oh kainan na!", pangunguna ng kuya Ogie nya na animo'y pasal na pasal na.

"Nga pala tatay, invited kami ng valedictorian mamaya, dinner daw sa bahay nila", paalam ni Cha habang patuloy na ngumunguya.

"Sige lang 'nak", sagot ng tatay niya.

Matapos kumain ay dumeretso na sya sa kwarto niya. Kauupo lang niya sa kama ay may biglang pumasok sa isip niya. Ang sinabi ng kanyang ina. Ang pag aaral nya ng College.

Madaming tanong sa isip nya. Gaya ng ibang kabataan na magsisimula nang pumasok ng kolehiyo. Medyo kabado pero excited.

6:30 P.M

"Cha! Cha!"

Nagising sya sa boses ng nanay nya.

"Syet! May pupuntahan nga pala ako!" napamura sya, di nya namalayan na nakatulog pala sya, kailangan nyang pumunta sa bahay ng valedictorian.

Ni hindi pa sya nakapagbihis. Suot pa nya ang Gala Uniform nya. Naka make-up pa sya at di pa natatanggal ang mga hairpins sa buhok nya.

"OMG! Bat kasi ako nakatulog ng hindi naghihilamos?" kinausap na naman nya ang sarili sa salamin. Madalas nya itong gawin. Lalo na pag nag eemote sya.

Dali dali nang naligo si Cha para makahabol sa dinner ng batchmates nya. Pwede namang hindi na sya pumunta pero feeling nya, eto na yung last nilang pagkikita ng mga classmates nya.

Habang nakaharap sa salamin, pinagmamasdan niya ang sarili niya. Malalim na nag isip, dala siguro ng kanyang kabataan, kung ano anong pumapasok sa isip niya.

"Ano kaya mangyayari sakin 4years from now?"

"Strong pa din kaya ako? Nakatapos na kaya ako ng pag aaral?"

"Sino kaya magiging boyfriend ko? Si Brad Pitt siguro or Duncan James. hahaha.. echosera!"

"Hmmf, makapagbihis na nga at makaalis na!"

7:30 pm

Habang naglalakad tinitingnan niya ang paligid, ang mga tao, ang mga bulaklak, puno, asong kalye, pusang ligaw, at kung anu ano pang bagay na nagkalat ultimo basurahan. She love people. She's a nature lover. Animal lover. Kulang na lang ay lover. Chos!

Sa wakas ay nakarating na si Cha sa bahay ng classmates niyang balediktoryan(Valedictorian in English).

(Dahil napakatamad ng author, wala na sa ayos ang mga susunod niyong mababasa bukod sa pagiging highly emotional ng character ni Cha.)

Cha pasok!

"Hi guys kamusta dito? teka kakain muna ako."

Habang kumakain nakikinig si Cha sa kwentuhan ng mga classmates niya. Lam niyo na, mga schools na papasukan sa college, course na kukunin. crush. love. di naman nawawala yan.

"Guys, reunion lagi ha?"
"Sana ganito pa rin tayo kahit magkakalayo layo na"

Isiningit ni Cha sa usapan, at lahat sabay sabay nagsabi ng "Oo naman!"

Matapos ang ilang oras ng kainan, kwentuhan, paalaman, iyakan at tawanan, tila di makapaniwala ang iba na magkakahiwa hiwalay na sila sa loob ng apat na taon, at ang iba ay sa loob ng labindalawang taon na magkakasama sa school na pinasukan nila.

Highschool is the Best! Eto na yata ang pinakamasayang parte ng buhay ng mga estudyante. Madaming nahihirapan mag adjust matapos nilang iwan ang highschool, isa na diyan si Cha.

"Bye guys! text text na lang!" (year 2007, di pa uso sa lugar nila ang internet :3)

"Ingat kayo ha?"

Isa isa nang nag alisan ang magkakaklase. Nagpaalam na din si Cha at naglakad na pauwi.

Lutang ang kanyang isip, ngayo'y wala nang pumapasok sa isip niya, ang gusto na lamang niya ay makahiga at matulog dala ng sobrang pagod niya maghapon.

Pagdating na pagdating niya sa bahay, agad siyang pumasok sa C.R. nag toothbrush at naghugas ng mukha.

Pagpasok niya sa kwarto humiga na agad siya, nakatulog at ayun! Nakalimutan na naman niyang magpalit ng damit. Pasaway na bata!














































. . . . . . salamat sa iilan kong taga basa :)

PURPURA (Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon