Naglalakad ako sa corridor ng school ng marinig kong may bago daw studyanteng nag-enroll at kaya naman binigyan nila ng sobrang pansin kasi mga gwapo daw.Hay naku!Hindi na ako nakinig pa at nagpatuloy nalang sa classroom at sakto naman pagdating ko doon ay wala pa masyadong tao at wala pang nakaupo sa paborito kong upuan,sa pinakadulo at malapit sa bintana.Inilapag ko ang mga libro ko at nilagay sa sahig ang bag bago umupo.
I sighed.Lulubusin ko na ang minutong natitira bago magsimula ang isa sa mga dagok sa buhay ko.Pumikit ako at nag-isip ng magandang pangyayari sa buhay ko.Hindi rin nagtagal at naramdaman ko na ang awrang hindi ko gusto.
"My!my!my!Scarlet deary,hindi ko inaasahang makikita pa kita sa lugar na to.After all what happened the other day,hindi ka pa rin natuto?"
"Rebecca,hindi ka ba nagsasawa sa pinaggagagawa mo sa akin?Just please stop messing with me.I've had enough"
"Where's the fan in that nerdy Scarlet?Besides ikaw lang naman ang gusto kong pagkatuwaan,right girls?"
Her minions nodded in response.I sighed at hindi na nagsalita pa.Sakto namang pumasok na yung prof at inanounce na may bago daw kaming classmates.Pagpasok ng dalawa ay nagsimula ng magtilian ang mga babae at bading kong classmates.Yung mga lalaki naman ay nakasimangot.Ako?Wala.
"Jake Ross"
"Calvin Gray"
Matapos nilang magpakilala ay pinaupo na sila at dahil sa harap at tabing upuan ko lang bakante ay dun sila umupo.Jake sa harap ko na katabi ng lintang Rebecca na halos maglupasay na sa kilig ng kindatan ni Jake.Sa tabi ko si Calvin umupo na agad ngumiti ng makita ako at syempre ngumiti rin ako pabalik na naging dahilan upang patayin ako sa tingin ng mga babae.I rolled my eyes mentally.Suck it up bitches!
Tumahimik ang lahat ng magsimula ng magdiscuss ang prof at kung hindi dahil sa dalawang sex starved na tao sa harap ko ay sana naintindihan ko si sir.Ang likot nila at hindi ko naman maiwasan dahil sa harap ko mismo sila at ang iingay pa.Hay!Narinig siguro ng katabi ko ang buntong hininga ko dahil narinig ko ang mahina niyang tawa.Napatingin ako sa kanya.
"Want to exchange seats with them?"
Bulong ni Calvin.
"Yeah but I can't.Not when Rebecca is involved"
Tumango siya ngunit tinawag si prof
"Yes mr.Gray?"
"Can we exchange seats with Rebecca and Jake,we can't see you because of their heads"
"Oh!Well,you both heard them.Its not like your listening to my discussion though"
Sabi niya sa dalawa.Tumayo sila pero hindi ako nakaligtas sa tingin ni Rebecca.Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na.
Sakto namang natapos ang discussion ni sir ng marinig namin ang bell.Agad na tumayo ang mga studyante upang tumungo sa susunod na subject.Naunang umalis si Calvin at Jake,nagmamadali ata.Akmang aalis na rin ako ng hilain ako ng mga alalay ni Rebecca.
"Anong meron sa inyo ni Calvin nerd?Hindi ko alam na malandi ka rin pala"
"Una sa lahat wala kang pakialam at pangalawa walang namamagitan sa amin kaya bitiwan niyo na ako at malelate na ako"
Binitawan naman nila ako agad kaya nakaalis na ako pero bago ka pa man maisara ang pinto ay nagsalita ulit si Rebecca.
"Natuto ka ng sumagot ha?Watch out nerdy bitch dahil may nag-aabang sayo"
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na sa susunod kong klase.
After hours or listening ay pumunta na ako sa cafeteria para maglunch.Matapos kong mamili ng pagkain ay pumunta ako sa paborito kong pwesto sa lugar,sa pinakasulok kung saan makikita mo lahat ang studyante sa loob.Mag-isa lang akong kumain.Sino ba naman ang makikisama sa isang nerd na magulo ang background ng buhay?Nakakalungkot nga lang minsan kasi wala akong ibang mapagsasabihan ng sekreto kundi ang sarili ko lang.Wala rin akong pinagkakatiwalaan kundi ang sarili ko lang.Matapos ang mangyari sa mga magulang ko ay binalot ko na ang puso ko sa bato.Ito lang ang tanging paraan upang magawa ko ang dapat kong gawin.
Matapos kong kumain ay nagsimula na akong maglakad palabas ng cafeteria ngunit ilang hakbang ko pa lang ng may nagpatid sa akin.Sumubsob ang mukha ko sa sahig kasabay ng malakas na tawanan ng mga tao sa loob.Tiningnan ko ang pinagmulan ng nagpatid sa akin at hindi na ako nasorpresa ng makita ko si Rebecca na nakangisi.Hindi pa natapos dun dahil tinaponan pa niya ako ng mango shake na kanina pa niya bitbit.
Gusto kong tumayo.Gusto kong lumaban.Gusto kong ipamukha sa kanya na kaya ko siyang patayin pero hindi pwede.Hindi pa pwede kaya ang ginawa ko lang ay umalis sa lugar na nakayuko at unti-unting bumabagsak ang mga luha.Bakit ba kasi ganito ang buhay ko?Hindi ba pwedeng maging tahimik ang buhay ko lalo pa at wala na ang mga magulang ko?
Alam ko naman ang sagot,naguguluhan lang talaga ako.May kulang kasi eh at sisiguraduhin kong mapupuno ko tong kulang na to.Hindi ko napansing may tao pala akong nakasalubong kaya nabangga ko siya.
"Watch it!"
"Sorry"
Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino yung nakabangga ko at nagmadali ng umalis at pumara ng taxi para umuwi at magbihis.
Pagdating ko ay naglinis ng katawan agad at nagbihis ng bagong set ng uniform.Tiningnan ko ang sarili sa salamin.Blouse na malaki at skirt na abot sa sahig ang haba tsaka converse shoes.Mahabang buhok na may full bangs,malalaking salamin at nakabrace.Nerd.Yan ang tingin ko ngayon.Matapos mamatay si dad ay kasama ding namatay ang pag-asa kong makamit ang hustisya sa pagkamatay ni mama.Tinago ko ang sarili ko sa lahat at walang nakakaalam sa Scarlet Frost Twaine sa likod ng hitsurang to.
Pagbaba ko ay naabutan ko si manang Felly na naglilinis.Nag-usap muna kami sandali bago ako umalis at bumalik sa school.Hindi ko ginagawang hadlang ang pananakit ni Rebecca sa akin para hindi pumasok sa school.May araw din sila sa akin at sisiguraduhin ko na kapag dumating ang araw na yun,lahat sila luluhod sa harap ko at magmamakaawa.
BINABASA MO ANG
All Planned
Short StoryKeep your friends close and your enemies closer They think she doesn't know what they're doing but she does.They think they can have what they want but she won't let them have it. They planned everything but little did they know she has it all plan...