Capítulo 14: Revelation and First Text
Jhon's POV
Ang aga pa lang may nambibwiset ng pindot ng pindot ng dorbell ko.
Wala namang problema sa farm diba? Nakausap ko pa lang yung mga farmer kahapon.
*TING DONG
Eto na nga diba!
Nagmadali nagpunta sa pinto para buksan yung pinto, napahikab at inat pa nga ako.
Pero...
Sa gulat ko nanigas ata ako. Nakataas pa yung kamay ko at nakanganga pa ako.
"Good morning Mr. Wyomi..er.. I mean Mr. Ybardolaza."
Parang natauhan naman ako sa nakita ko. Pakingtape!
"Attorney! K-kamusta po." Pinilit kong ngumiti.
"Can I enter." Pagkasabi nya nun pumasok na lang sya. "Ikinatutuwa kong nasa maayos na kalagayan ka naman." Nagligid ang paningin nya sa bahay ko. Nagtangal pa nga sya ng corporate coat at ipinatong yun sa center table ng sala ko kasama ng kanyang napakalaking kahon este bag.
"Gusto nyo ho ba ng maiinom?" Tanong ko sa kanya. Kahit hindi sya welcome kailangan ko pa ring ientertaine sya. Mahirap na.. Nakasalalay sa kanya ang kayamanan ko. Huh!
"Coffee will do."
Okay, coffee.
Nagmadali akong magmumog, mag toothbrush, maghilamos at magsuklay saka sya ginawan ng kape.
Pagkabalik ko nakabukas na yung bag nya at may mga papael na nakakalat sa mesa, meron din syang mga binabasa.
Inilapag ko yung kape sa gilid para hindi makaabala sa ginagawa nya.
"Maupo ka." Sabi nya sabay turo ng sofa sa harapan nya.
Makapagutos kala mo bahay nya to. Pssh! Umupo na lang nga ako.
"Malapit ka na mag bente." Tumingin sya saakin. Ibinaba nya yung salamin nya para mas matitigan pa ako. Kahit kailan talaga itong matandang to.
"Opo." Opo? Eh, next next year pa yun.
"Alam mo naman ata kung ano ibig sabihin nun?"
Katahimikan...
"Bago mamatay ang ama mo mga limang taon na ang nakakalipas ang huli nyang habilin ay ang hanapin mo ang prinsesa, protektahan sya kapalit ng 100 hektaria ng pinaghati-hating taniman ng palay, at iba't ibang prutas..." He paused. "Ginagawa mo naman ba ang sinabi nya?"
Tss! Ano bang pakialam ko sa isang prinsesa ng bansa? Buti kung gagawin akong prinsipe pag nakita ko yun. "O-oho!"
"WEEH?"
Tuktukan ko kaya tong abugadong to? May pa weeh weeh pang nalalaman, ano sya bagets? Nauumpaw na nga yung ulo nya. "Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para hanapin ang prinsesa.." Totoo hinahanap ko sya. "Pero mahirap ng mahanap sya ngayon. Mahigit lima o anim na taon na rin ng mawala ang prinsesang sinasabi nyo. Sa tingin nyo wala pa rin bang pagbabago yung mukha nun? Mahahanap ko ba talaga dito sa bansa yun ang blonde hair na babae na may korona?" Napasandal ako sa sofa. Napakaimposible naman kasi ng pinagagawa sa akin. Kung nagtatago ang prinsesa ibig sabihin ayaw magpahanap diba?
"Sige. Itigil mo ang paghahanap..." Kala ko seryoso sya pero ngumiti lang sya ng ewan. "Hindi mo makukuha ang kayamanang para sayo."
Tokwa naman oh! "Ano na lang gagawin ko?! Hindi ko kayang gawin ang isang imposibleng bagay!"
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Ficção AdolescenteJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?