Chapter XXXVII: Magical

609 44 5
                                    

Kahel

MAGICAL—Ganito ko mailalarawan ang buong paligid. Dati ay sa mga litrato at video ko lamang nakikita ang lugar na ito. Pero ito ako ngayon, nakatayo sa harap ng Eiffel Tower.

Nakasuot ako ng berdeng trench coat at may guwantes pa dahil sa lamig. Nakatingala ako sa Eiffel. Kung iisipin ay para itong signal tower. Pero kakaiba ito. Parang puno ng alaala ng mga taong nangarap, nabuhay, at umibig sa palibot nito.

Nakaamoy ako ng mga bagong gawang tinapay, butter at mga panindang cotton candy. The sky is pastel pink. May mga Mime sa gilid na pinapanood ng mga bata at mayroon ding mga nagtitinda ng lobo. Umalingawngaw sa tainga ko ang tunog ng accordion. Tinutugtog ang mga hindi pamilyar na piyesa ngunit bagay na bagay sa dapit-hapon.

"Almost perfect," bulong ko. Napatingin ako sa aking gilid. Tanaw ko si Drake na palapit sa akin dala ang binili niyang hot chocolate habang siya ay nasa malayo. "Ang mahalin ka na lang ang kulang."

Ilang minuto pa ay nakarating din siya sa kinatatayuan ko.

"Here, mahal," sabi niya sabay abot sa akin ng mainit na inumin. "Puwede pa tayong mamasyal kung gusto mo. Bukas pa makikipagkita sa atin si Dad."

Hindi ako nakasagot. I sipped from my drink, sabay buga ng mainit na hininga ko sa hangin.

"Ang ganda rito ano?" tanong ni Drake. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingala siya sa langit habang nakapikit pa. "Ang aminin mo na lang sa akin na mahal mo rin ako ang kulang."

"Aw!" Napaso ko ang dila ko.

"Kahel, are you okay?" Biglang hinawakan ni Drake ang aking mukha. Nakatitig siya sa akin habang inaaral ang aking bibig upang hanapin kung saan banda ako napaso.

I was panting. Nakalabas ang dila ko. Nagkatitigan kami. Napatigil siyang saglit. His worried look suddenly changed. Biglang pumantay ang mga kilay niya. Ang repleksyon ko sa kaniyang mga mata ay lalong lumalaki senyales na lalo siyang lumalapit.

His lips were inching closer, as if we were finally completing our perfect day near the Eiffel Tower.

Then I saw myself in his eyes. Sa kisap-mata ay tila naging berde ang repleksyon ko.

Mabilis kong inilihis ang aking ulo sabay pikit ng mga mata ko.

"Drake, please put your shades on."

"Okay lang ako Kahel. Hindi ako mapapahamak."

"Drake, please." Biglang nag-iba ang tono ko. Hindi gaya ng boses ko na laging naiinis sa kaniya. Hindi gaya noong tuwing sinisigawan ko siya kapag napipikon ako sa kakulitan niya. Iba ang tono ko ngayon, nagmamakaawa.

"Ito na, ito na, don't be sad," sabi niya. Aligaga niyang isinuot ang shades niya. Alam kong magdidilim na pero mas maigi nang may proteksyon siya kahit papaano kesa madamay pa siya sa sumpa ko. "I have it on now, see? You can open your eyes now, mahal."

Marahan ko siyang nilingon habang nakapikit pa rin. I slowly opened my eyes. Nakayuko ako. Una kong nakita ang maganda niyang sapatos paakyat sa itim niyang trench coat. Kasunod ay ang brown niyang scarf hanggang mapatingin ako sa mukha niya.

Bigla akong napangiti. Si ungas, nakasuot ng shades na kulay pink na pambata.

"Baliw!"

"There, you look so much better smiling."

Drake extended his hand. I hesitated to hold it. He was still smiling. Nakatitig ako sa maugat niyang kamay habang hinihintay na hawakan ko ito.

"Hindi ko ito ibababa, Kahel, hangga't hindi mo hinahawakan."

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon