"Rolence! Tama na nga yang puro ka nalang cartoons! Tanda mo na. Girlfriend naman hanapin mo anak." Ayan nanaman bunganga ni Mama, hindi na nasanay sakin.
"Ma. Ayaw nyo yun? Nandito lang ako sa bahay?"
"Naku naman anak, napagiwanan ka na ng panahon. Yung mga kalaro mo dati may mga jowa na"
"Naku naman nay, di na kayo nasanay sakin. Buti nga wala akong bisyo diba?"
"Ah, basta anak. Tumayo ka't maghanap ng maliligawan mo hala dalian mo't andyan si-- sino na nga ba yun? Diba kababata mo yun? ""Alex ma. Baka hindi na nga ako kilala nun eh. Di na sya nagparamdam mula nung pumunta ng America."
"Oh, Alex ba kamo?"
"Opo"
"Dali na't magbihis ka. At puntahan sya."
"Ma... Hindi ko po sya gusto. Saka I don't have time."
"Dali na." Hinila ako ni Mama na tumayaw para pumunta ng kwarto ko.
"Sabi ng ayoko ma eh." Sinarado nya yung pinto ng kwarto ko.
"Isa. Kapag di ka pa nagbihis 'di mo na magagamit itong TV."
Wala akong nagawa. Nagbihis na ako saka nag-ayos ng sarili.
"Tapos na ma. Pwede nyo ng buksan."
Binuksan naman ito ni Mama.
"Oh, kita mo. Ang gwapo talaga ng anak ko." Puri ni Mama.
"Syempre kahit andito lang ako sa bahay at nanunuod ng TV. May itsura naman po ako no" inaayos ni mama yung damit ko.
"Mana ka talaga sakin anak. Kahit si Papa mo, wala na. Namamahinga na." Biglang naging matamlay si mama.
"Tama na ma. Gagawin ko na gusto ninyo, para di nyo na maalala si Papa."
Huminga ng malalim si Mama, pumilit itong ngumiti.
"Oh, kuya ba't parang bihis na bihis ka?" Sabi ni Mae, kapatid kong babae.
"Ito nanaman si Mama eh. Nagpapahanap ng liligawan ko daw."
"Ah, mabuti naman na yun kuya para naman makasunod ako saglit sa TV no." Natatawa nyang sabi.
"Ikaw talagang bata ka. Sige kunin mo na yung remote dun." Saka ko ginulo yung buhok nito.
"Kuya naman eh. Kakasuklay ko lang."
"Ah, ma. Alis na nga ako." Nagpaalam ako kay Mama.
"Oh sige anak. Iuwi mo yung babae dito't ipakilala sakin ha?"
"Nay naman. Iuuwi ko kaagad?"
"Ah basta. Wag kang uuwi kapag wala kang kasamang babae."
"Kuya! Dapat yung kagaya kong maganda at mabait ha?" Singit ni Mae.
"Ito talaga bata bata mo pa dami mong alam!" Lumabas na ako ng bahay.
Mukha naman akong magaapply ng trabaho nito. Buti nalang at dala ko wallet ko. Bibili nalang ako ng laruan o kahit na anong gamit basta finn and jake ang item. Pumunta ako ng mall para makapag tingin tingin.
Pumasok ako sa isang toy store. Ang daming laruan, mapa-disney man o cartoon network, isama mo na rin ang nickolodean na characters. Ang saya lang makakita ng mga laruan, dami ko ngang collection na finn and jake sa bahay eh. Nasa isang malaking white glass cabinet lahat ng collection ko. Pati nga kwarto ko halos adventure time ang theme nito. Pang bata oo pero ano magagawa ko? Na-adik na ako eh.
Sa pag-ikot ikot ko, sa wakas! Nakita ko na ang hinahanap ko. Ang Adventure time na toys. Iba't ibang items ang meron nito. Meron din mga damit at kung anu-ano pa. Hinalungkat ko ang mga damit. Para tumingin kung may mga bago bang design sa paghahalungkat ko may nakita akong nakadisplay sa na damit sa isang manikin. Ang ganda nung shirt, baby blue sya kasi si Bimo yung character. Wala pa akong shirt na Bimo eh, yun nga hinahanap ko. Nilapitan ko ito saka hinawakan. May humawak din dito.