IIWAS PABA?

11 2 0
                                    


"Ayoko na! iiwas na ako sa kaniya!"
'Yan ang sinabi ko noon,
Pero bakit ganoon?
Kung kailan ko napagdisesyonang umiwas,
Ay siya namang pag sulpot mo!

Nakakainis! Naiinis ako!
Akala ko, graduate na ako sayo,
Pero bakit nung bigla kang sumulpot sa harapan ko;
ay siya ding pagsulpot ng mga paru-paru sa aking tyan?

Sinisisi ko ang tadhana
Bakit ka niya biglang pinasulpot sa harapan ko?
Pinaglalaruan niya ba ako?
O baka naman sinasadya mo?

Akala ko wala na akong nararamdaman,
Pero bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso nung nakita kita?
Akala ko graduate na ako sa'yo,
Pero bakit nung nakita kita,
tila ba bumalik ako sa umpisa.

sabi ko iiwas na ako sa'yo at titigil na,
ngunit iba ata ang nagawa ko,
Ang sabi ko iiwas na ako't titigil,
Ngunit bakit tila ba ako'y tumigil sa pag iwas.

Ayoko na.
Ayoko nang umiwas.

The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]Where stories live. Discover now