DINADAANAN

9 1 0
                                    


Dinadaanan lang naman kasi kita noon,
E' hindi nga kita kilala noon,
Pero ngayon, tila ba alam na alam kona lahat tungkol sa'yo.

Hindi nga kita pinapansin noon,
Pero ngayon,
Halos lahat ay napapansin kona sa'yo.

Dinadaanan lang kita,
Ngunit ngayon,
Titigil ako sa paglalakad para lamang makasabay kita,
Kahit sa paglalakad man lang ay makasabay kita;

Mabilis ako maglakad,
"Hoy! Bagalan mo naman lakad mo!"
'Yan ang reklamo ng mga kaibigan ko sa akin.
Pero pagdating sa'yo,
Halos matalo kopa ang oras kapag walang internet sa sobrang bagal,
Para lang makasabay kita.

The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]Where stories live. Discover now