Walang magawa sa gabing tulala o baka namimiss kalang aking sinta?
Bakit, bakit kasi masyadong
komplikado ang mga sitwasyon nung tayo'y nagkakilala? Simula ng
Semana Santa nang tayo ay nagkakilala sa pagitan ng dilim natatandaan mo paba?pagtapos din nito, ay ang paglisan mo
Sino ba ang mali? Ako?,ikaw? O tayo.?Baka naman ang ihip ng mundo o galaw ng mundo? Bakit sa Pagitan ng dilim?
Dahil pareho tayong iniwan nung panahong tayo'y pinagtagpo. siguro naghahanap lang tayo ng kausap at madadamayan sa sitwasyon na
kailangan ng solusyon pero dumating sa punto na ang ating pagkakaibigan ay nauwi sa kai-bigan.
baka napagod lang tayo tao din naman tayo napapagod. Lahat naman tayo nahihirapan. Lahat tayo napapagod at nasasaktan.
Ang pinagkaiba lang, ikaw yung unang bumitaw. Pero sa mga katagang binitawan mo bago ang paglisan mo
ay ang tumatak sa aking utak. Kahit walang akong utak!hindi mo manlang ako pinagpahinga dahil sa mga binitawan mo ay walang hulog salong salo ang mga letra sa utak ko.
Ikaw ang piyesa dito sa tula ko na mayroong perpektong sukat at tugma.
isa kang piyesa Ng isang pinakamagaling na makata na inilaan ang kanyang oras at pagod para lang ika'y makatha.
At kung hindi man talaga tayo sabi nga ng isang makata ay
Binibini, nawa'y matagpuan mo din ang ginoong ituturing kang mundo kahit napakaraming bituwin sa paligid mo.