Im fall in love with a Wattpad Reader (ONESHOT COMPLETED)

14 1 1
                                    

"Nakakainis, naiinis ako. Namatay si Pierce ko. Bwisit!"

Bulyaw mo sakin habang maluha luha nang matapos mo ang binabasa mo. Sabi mo pa nga ang ganda ganda nung umpisa pero ngayon di ko alam kung bakit ka naging ganyan ng mamatay lang si Pierce. Sino ba yan? pag ako ba namatay maiinis ka din sakin?.

Teka ano ba uli title ng binabasa mo? The most painful... kalaban ba kasunod nun?

"Ang astig ni Summer. Grabe! sana maging siya din ako tas magkagusto sakin ang isang boss ng Mafia na si Van"

Tumatalon talon kapa sa tuwa ng sabihin mo yan halos mapanganga ako eh kasi gusto mong may magkagusto sayong boss ng Mafia may sapak kana siguro nuh? pano ko magagawa yun? gagawa naba ko ng grupo?

"Tol gangster na ang type ko ngayon :) may movie na yung kweneto ko sayong she's dating with a gangster, remember? Samahan mo ko Premiere night nun ha."

Yan ang tinext mo sakin bago tayo magkita sa SM para bumili ng mga luho mo. Halos punitin ko ang suot kong nerd style kasi sabi mo kagabi na type mo yun dahil sa nabasa mo. Pasalamat nalang ako na naisipan kong bumili ng damit na pang gangster na nakita ko sa tyangge just in case ko lang sana yun pero nagkatotoo ang nasa isip ko. Grabe ka din nu? Lagi ka na ngang nasa isip ko pero wattpad padin ang nais mo. Nababaliw naba ako?

"Alam mo ba di ako nakaligo ng 3 araw matapos ko lang ito"

Sabi mo sakin habang pinapakita ang title sa screen ng cellphone mo. Class 3-C pa nga yung title diba? Mukha ngang astig sa title pa lang pero yung di ka maligo? Natawa ako ng konti pero kahit di ka maligo naman maligo para sakin mabango ka padin. Alam mo ba yun?

"Layuan mo na ko di na kita bestfriend"

Yan ang sinabi sakin nang mainis ka dahil sa nabasa mong kwento na naging hadlang ang bestfriend ng bida sa Love story nito. Sobrang babaw nga ng dahilan mo eh pero alam mo bang nasaktan ako? Nasaktan ako dahil lang sa istoryang iyan? na halos kaya mo kong pagtulakan dahil lang sa impact sayo ng kwento. Gusto kong hanapin yung author nun para maiparamdam sa kanya yung nararamdaman ko. Para naman masabi ko ding tumigil na siya sa pagsusulat dahil may isang taong nagiging kawawa at ako yun. Kung alam mo lang.

"Sabi na nga ba sila

magkakatuloyan"

Sabi mo habang nakatitig sa cellphone mo. Ito yata ang una mong sinabi sakin ng magkaayos tayo nang dahil lang sa isang kwento na humatong sa di mo pagpansin sakin ng tatlong linggo. Lahat ginawa ko para lang bumalik tayo sa dati. Magmula sa paglinis ng C.R niyo, paggawa ng assignment mo, paglaba ng damit ng katulong niyo, pag wawalis ng basurang tinapon ko galing sa trashcan, hanggang sa paglalakad ng nakabrief sa subdivision natin na may nakadikitna papel sa katawan na may nakasulat na "Hinding hindi ako magiging hadlang sa lovestory niyo" at mabuti nalang nasa trabaho ang magulang ko noon kaya di nila nakita, alam mo bang hiyang hiya ako? Napagtanto ko nga na Nagmumukhang gago at tanga na ko pero alam mo bang kahit ganun masaya padin ako sa kabila ng lahat kasi atleast nagkakadahilan ako na makasama ka.

"Best siya nga pala si Marcelo"

Pagpapakilala mo sakin sa isang author sa wattpad. Bumulong kapa sakin na siya ang "ultimate crush mo". Nakita ko din ng oras na iyon na hindi mo hawak ang cellphone mo. Badtrip na badtrip ako, alam mo ba? Gusto ko na ngang magwalk out lalo na ng nagkwekwentuhan kayo sa isang bagay na wala akong alam.

Doon ko lang naramdaman ang pagiging Out of Place ko sa isang lugar, samantalang sa park lang naman tayo naroroon. Gusto ko ding

Sumigaw na "nagseselos ako" lalo na ng humingi ka ng pabor sa kanya. Kaya ko naman yun eh! kahit ano basta wag lang sa iba kasi nagseselos ako.

Nagseselos ako kasi mahal kita. Ayy mali, hindi pala kasi Mahal na mahal kita sobra.

Lumipas ang ilang linggo na di ko pagpaparamdam sayo. Masakit itong ginagawa ko dahil hindi ko kayang tiisin ang gaya mo pero nagagawa ko kasi may gusto akong malaman, maramdaman galing sayo. Ngunit mas may sasakit pa sa masakit kong nararamdaman sapagkat ni isang kaluskos ng pagkatao mo o sa madaling salita ay ang pagpaparamdam ay hindi ko naramdaman. Alam mo bang umaasa ako? Umaasa ako kahit umabot na to ng 4 na buwan? oo ganito katagal, pero wala pa din. Bakit? Kahit pagiging concern lang bilang bestfriend. Ang sakit sakit dahil para lang sa isang kagaya mo nagparaya, gago at tanga ako. Kahit naman pilitin kong isipin na kailangan kong sabihin sayo ang nararamdaman ko ay wala akong mahanap na rason. Aasa pa ba ko? eh kahit hi lang galing sayo ay mas mahirap pa sa daga kung maasam? Wala na ba talagang pag asa?

Naging College na ko nang malaman kong may iba ka nang mga kaibigan. Napapangiwi nalang ako sayo twing nakikita kita ni hindi ko pa nakitang magkasalubong ang mga mata natin. Ano bang problema mo? Di pa ko patay para maglahong parang bula sa paningin mo. pero ano? Ganito nalang? Nawawalan na ko ng gana at dahilan para ipagpatuloy pa. Hahayaan ko na lang. Mabubura ka din tulad ng pagbubura mo sakin sa buhay mo.

.

.

.

"Mahal kita Josh"

Araw pala ng mga puso ngayon. Nakakatuwa na nanggaling sa bibig mo ang mga salitang iyan, for almost three years. Napailing nalang ako habang nakangisi sayo.

"Mahal din kita Ria" sambit ko sayo na tila ikinagulat mo ata. Oo, mahal pa din kita pero hindi nga lang tulad ng dati, dati na mukha pa kong gago at tanga "bilang bestfriend" dugtong ko. Napapahanga ako hindi dahil sa kanya kundi dahil sa nakakasalita na ko sa kwentong ito.

Tila napatahimik ka sandali at saka ngumiti ng napakapakla. "A-Ah ako din. Nga pala, may sasabihin ako sayo" sabi mo.

"Ako din may gustong sabihin sayo dahil naging bestfriend kita" Sambit ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay tila may binabasa saking mata.

"Sige una kana" Sabi mo nang biglang bumalik sa iyong presensya.

At dahil hindi ako gentledog...

"Si Jade girlfriend ko" turo ko kay Jade na katabi ko, matagal na kami pero di lang namin sinasabi sa tropa. Well, ngayon alam na nila dahil nandito lang din silang lahat. Lahat sila ay tila nagulat sa sinabi ko maging siya. Hindi naman selosa si Jade lalo na pag may nagsasabi sakin ng mga ganitong senaryo at masasabi kong totoong Mahal ko siya. " Babe, Mia dating bestfriend ko na tila nagbabalik" ngumiti ako sa kanilang dalawa at saka sila nagshake hands.

"Anong sasabihin mo?" Gulat pa din siyang tumingin sakin.

"Ah... wala, alis na ko" at saka tumakbo siyang papalayo sakin.

Papalayo sa bagong ako.

Ang dating lalaking humahabol sa isang tulad nya, hilig magbasa ng mga kwento kathang-isip, na kayang humiwalay sa realidad at mabuhay sa walang hanggang kapantasyahan.

Siya ang babaeng minahal ko noon na hindi ako binigyan ng pagpapahalaga para lang sa mga kwento, Kwento na hindi kailanman mabubuo.

Sorry walang Happy Ending lang :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fall in love with a Wattpad Reader (ONESHOT COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon