November 23, 2018
Nasa bus na ko pa-QC dahil may overnight kami sa condo ng tropa ko.
Habang nasa bus, nag-basa ako ng old conversations with July and our circle of friends. Nag-reminisce ako and tinry ko alamin ano ba yung nafefeel kong longing eh parang napaka babaw naman ng meron samin ni July.
Wala naman kaming heart to heart talks tungkol sa mga deepest secrets, mga fears, kung ano kinagagalit ng isa't isa, how we see the world. Walang substance... yet I long for him. Para kong nawawalan ng kalahating puso. I feel so empty, especially pag mag-isa ako.
The worst part is, imbis na I miss my (ex) boyfriend, I miss July. I kept on trying to convince myself how Al was my "everything" and my first, so walang wala kung ikukumpara sa meron kami ni July.
Lahat ng old convos namen ni July, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko nararanasan when I'm with Al, kahit nung honeymoon phase palang. Kinikilig ako pag nirereminisce ko yung mga nangyari before, and pag nababanggit ako ni July sa mga circle of friends namin.
Oo, na-confirm ko na, July was my first love, nakuha nya yung first na 'yon. Pero... how can a first love na napaka babaw be this heavy.
Al's not perfect, very far from perfect. Pero for almost a year, we were in our little world. Parang tanga lang na biglang parang nagka-crack, then unti unting lumaki, hanggang sa puro si July nalang nakikita ko sa butas na yon.
Bumaba na ko ng bus and nag-van na papunta sa condo ni Ger. Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa bintana habang nagpapatugtog ng mga music.
Anlala. Halos lahat ng playlist ko, I remember July. It's been 2 years with no communication, hindi ko din naman sya pinursue or kinausap or naghanap ng any sort of communication during the months na I've been single na ulit. Bakit ganito? Parang bumabalik ako sa 15 yrs old Autumn pag iniisip ko sya. The innocence, the high of love, and the butterflies.
"Autumn!" tawag sakin ni Joshua at Ger pagkasundo nila sakin sa lobby ng condo ni Ger. Isa sila sa mga friends ko nung Grade 9 kaya saksi sila sa lahat ng pinagdaanan ko at kung anong transitions sa buhay ko ang nangyari.
Umakyat na kami sa condo ni Ger at nag-simula na syang mag-luto ng liempo pang-pulutan namin.
Mga ilang oras, nag-simula na kaming mag-inuman at mag-kwentuhan.
Ubos na namin ang isang bote at senglot na si Ger kaya tumba na at nakatulog na. Kami nalang ni Joshua nag-inuman pa. Nakalahati na namin ang pangalawang bote ng alak at napagtripan naming sumayaw sayaw sa tugtugan. Naubos na namin yung pangalawang bote at binubuksan na ni Joshua yung pangatlo nang bigla sya manakbo sa banyo para magsuka.
"Hoyyy shuta anyare sayo?" lasing lasing kong sabi "Wag ka jan matulog ah!" paalala ko sakanya
Pag-labas nya ng banyo ay dumirecho na sya sa tabi ni Ger at natulog. Kinumutan ko sila at nag-ligpit ng unti.
Kinuha ko yung natitirang alak at lumabas sa balcony at umupo sa upuan. Tumitig ako sa city lights habang iniinom ang natitirang alak.
November 24, 2018
Tinignan ko ang oras, 12:45AM na.
Tumingin uli ako sa city lights.
I've realized na parang almost lahat ng ginagawa ko sa buhay ko after July was to belong sa mundo nya. Mga bad ideas na ginagawa ko just to understand him and to be with him.
Ibang iba din yung love na naibibigay ko kay Al and July. Kay Al parang may times na na-cicringe ako sa kanya, like bakit kasama ko 'to? Pero kay July all these years, all I felt for him was pure love, walang kahit na anong negats emosyon kahit na ginago ako ng pa-ulit ulit, purong-puro. Is Al the reality? Ganon ba talaga dapat sa pag-ibig? Kathang-isip lang ba yung nararamdamn ko kay July dahil tanga pa ko sa realidad noon?
BINABASA MO ANG
Walking in a Bad Idea
RomanceAutumn Eros, is someone who loves to read, write, and speak about love. Always burning with passion when it comes to romance, and relationships. Although, she has not experienced it before. On the other hand, Julian Leander Orquidea, called by his...