Second Chance

212 3 3
                                    

This is dedicated to all BISTIANS, FISHERINIANS my friends na palagi akong pinipilit na magsulat ng entry sa wattpad.

Sana magustuhan ninyo ang istoryang ito.

Jet Garao Sarvida

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa istoryang nakalathala rito ay pawang kathang isip lamang at hindi inihango sa tunay na buhay. Ang alin mang pagkakahalintulad ay hindi sinasadya ng may akda.

"Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. We only have to be strong by God's grace to persevere in the tests of life..."

NaughtyNishan

Chapter 1 Mysterious Guy in The Dream

“People think dreams aren't real just because they aren't made of matter, of particles. Dreams are real. But they are made of viewpoints, of images, of memories and puns and lost hopes.”

― Neil Gaiman

Alyl's POV

Umuulan ng malakas at madilim ang paligid na tinatahak ko.Tanging payong lang ang sandata ko sa ulan. Basang-basa na ang maong pants na suot ko.

Nakakatakot ang mga eksenang ito na sinasabayan pa ng makapanindig balahibong ihip ng hangin. Wala akong makita ni katiting na ilaw sa paligid. Lakad lang ako ng lakad walang kasiguruhan kung saan ako tutungo.

Matagal tagal na rin akong naglalakad pero parang ganun pa rin, walang nagbabago sa paligid. Iisa lang ang nasa isip ko, nawawala na ako. Ilang saglit pa ay may umuungol na na aso sa may di kalayuan. Ngayon, dinaig na ng takot ang aking nagtatapang-tapangan na puso.

Naghalo halo na ang kaba, takot, pangamba at pagkabalisa.Sa tingin ko, nanghihina na ang aking mga tuhod. Mapapahinga na sana ako pero naisip ko na magpatuloy na lang upang makaalis na sa lugar na iyon.

Ngunit, gayon na lang ang takot na naramdaman ko nang maramdaman kong may nakahawak sa braso ko.

Nanigas ako at sumigaw ng malakas...

TULONG>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Shh...could you please stop shouting? Kaibigan ako."

Napabuntong hininga ako. Akala ko kapre, o di kaya'y maligo ang humawak sa akin. Paano eh agad agad naman itong sumusulpot na parang kabute at sa ganitong lugar, sino ba ang mag-aakalang may tao? Humingi ako ng tulong.

Tumango tango ang lalaki, sa tingin ko'y alam niya kung ano ang nangyayari sa akin.

"I see. Mabuti na lang at nakita kita, kung hindi, baka may nangyari nang masama sa iyo"

"Naku! Thank you ha... Ikaw ang naging angel ko.

Napatawa ang lalaking nakausap ko. Bagaman flashlight lang ang dala niya na siyang nagbibigay liwanag sa gitna ng dilim, ay sumilay sa harapan ko ang isang napakaamong mukha. My god!....Salad oh! Ang gwapoooo... Makalaglag panga ang ngiting binitawan niya. Perpekto ang proposyon ng labi at pantay na maliliit niyang ngipin plus ang tangos ng ilong niya...Oh lalala my dream boy!

Anay ginoo...ka cute niya ha! He has a kissable lips too.

Medyo parang nagtaka ang kaharap ko. Paano kasi'y panay ang titig ko sa kanya.Kulang na lang lamunin ko siya ng buhay gamit ng chinitang mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon