(Felix's POV)
Katulad ng ginagawa ko araw-araw tuwing lunch... Lalabas ako sa school at pupunta lagi sa convenience store para kumain... May gate pass ako para makalabas sa school kaya free ako lagi...
Pero nang bumalik ako kanina sa school matapos kong kumain ng lunch... Nagulat ako sa narinig ko na announcement mula sa principal's office lalo na nung marinig ko ang pangalan ng mga tropa ko na pwede na nilang i-claim ang gate pass nila sa principal's office...
Nakakainis naman o... Bakit ngayon pa dapat ma-claim yun kung kailan ko gustong mapag-isa? Dati kasi nung kami pa ni Jamie laging sasama ang mga iyon sa amin... Kahit gusto namin noong mapag-isa... As in kaming dalawa lang....
Hay naku Winnie asan ka ba? Ikaw lang ang nag-comfort sakin kanina... Sana i-comfort mo naman ako ngayon oh!
Pero teka....
Si Winnie iyon ah???
Teka bakit kasama niya tropa ko???
At nakita ko yung mga tropa ko na kine-claim na yung mga gate pass nila...
Naku po patay ako diyan... I'm sure mangungulit nanaman ang mga ito...
Kinakabahan ako... Ano kayang ginawa nila kay Winnie kanina? Inaway ba nila ito kanina?? Huwag naman sana!!!
Dahil pag ginawa nila iyon lagot sila sakin!!!
Nakita kong nagtungo na sila sa stairs... Umakyat na sila... Mukhang babalik na sila ng room... Eh ten minutes pa bago ang subject sa hapon... Heh! Di bale na nga!!!
Naglalakad ako patungo sa room namin... May nagkakawayan saking mga babae kasama na yung mga new students na nakausap ko kanina...
"Hi Felix!"
"Hello Felix!"
"Hi Felix!"
Yung iba nga nag-flying kiss pa sakin... Binati ko naman sila... Hindi ako snob para balewalain sila...
Meron naman inirapan pa ako... Tapos may narinig pa akong nagsabi na playboy...
Hindi ko na lang sila pinansin... Wala naman akong mapapala kung sasagutin ko pa sila... Wala rin namang mangyayari... Di ko sila masisisi kung issue ako sa school na ito.... Kasi alam ko kasalanan ko rin naman kung bakit umabot ako sa ganito! Kung naging matapang lang sana ako na hinarap ang kabiguan... Sana hindi ako nagkakaganito ngayon...
Nakarating na ako sa classroom namin... Naramdaman kong mabigat na ang mga mata ko... Naupo ako sa upuan ko at tumungo na ako sa table ko... Kailangan ko munang matulog ng ilang minuto...
May ilan-ilan ring mga kaklase ko andito na rin... Naririnig ko silang nag-uusap saka pag pasok ko nakita kong andiyan na sila...
Naririnig ko rin mga tropa ko nagke-kwentuhan... Hindi iyon tungkol sakin... Hindi rin iyon tungkol kay Winnie.... Ewan ko... Mukhang kalibugan mga kine-kwento nila... Lalo na yang si Ian... Pasimula yan ng kwentuhan tungkol sa ganyan... Siya pa malakas tumawa....
After 10 minutes ayun nag-bell na rin...
Mga ilang saglit naramdaman kong nagdatingan na ang mga kaklase ko... Inangat ko na ulo ko... Nagdatingan na silang lahat... Naupo na ako ng diretso baka sakaling may teacher na dumating...
..........................................
Dumaan ang thirty minutes wala pa rin yung teacher namin...
"Wala tayong teachers ngayong hapon... May meeting sila..." sabi nung class president namin...
Hay salamat... Balik tulog na nga lang ako uli...
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (On-Going)
Teen FictionFelix Buenaventura, Grade 12 student sa St. Stephen's High School, kilalang-kilala siya sa buong campus hindi dahil sa siya ang pinaka-gwapo sa lahat ng mga lalaki sa campus na halos kinagigiliwan ng mga estudyanteng babae doon. Dahil kundi sa mayam...