KABANATA 21

6 1 0
                                    


    ⚜️Bella⚜️


2 days later.


" Bells, sure ka ba talagang okey ka lang dito mag-isa? " tanong ulit sakin ni Bella.


Nakailang ulit na niyang tanong sakin simula ng makatangap ka ng email kanina madaling araw.


May aksidente kasing nangyari sa national highway daw ng Valencia. Isang bus ang nabanga sa kaparehong bus.


Madaming sugatan at madaming kritical sa JMC ngayon. Lahat ng nurses pinapa Duty na ngayon kase kulang sila personnel sa E.R.


" Ali, okay nga lang ako dito. Kasama ko naman si shadow dito eh. Uuwi ka naman pagkatapos ng trabaho diba? " sabi ko sa kanya.


" Eh syempre ayaw naman kitang ewan dito mag-isa Bella. Nag-aalala ako sayo. "


" Okay nga lang ako dito Ali, may pagkain naman dito eh. Kinaya ko nga dun sa ilalim ng basement na mas malala pa yun dito. " paliwanag ko sa kanya.


" What if ma bored ka dito wala kang kausap Bells?" pa'ngu-ngulit niya pa.


" Nakakausap ko naman si Shadow Ali, wag kana mag-alala sakin"



" Sure ka ba, Hindi naman sumasagot yan si Shadow eh ^3^ " dagdag niya pa.


*Arf.Arf.Arf* tahol ni shadow sa kanya.


" Kita mo na, sumasagot si Shadow Ali. " natatawang sagot ko sa kanya.


" Sure kayo ah, basta tawagan mo ko agad pag may kailangan ka or may nangyari. Pwede din naman si Kendrick yun tawagan mo Bells. " bilin niya pa habang inaayos yung mga gamit niya.


" Okay, wag kana mag-alala sakin Ali, kailangan focus ka muna sa trabaho mo. Okay lang kami ni Shadow dito "


" Hayys, sige ah. uuwi din ako agad dito pagtapos ng shift ko. " sabi niya habang inaayos yung damit niya.


Nakakamakhang tingnan si Alia habang suot niya yung uniform niya sa trabaho.

Bagay na bagay sa kanya ang pagiging Nurse. Mukhang siyang malinis at kagalang galang. At napaka ganda niya din sa suot niyang puting uniform.


(^____^)


Napakagandang babae talaga neto ni Alia.


" Basta pag nagutom ka may pagkain na akong niluto jan. Initin mo nalang sa microwave para di malamig. Tanda mo naman paano yung gamitin diba " bilin niya pa ulit habang sinusukbit yung bag niya


" Opo, alam ko na lahat gamitin tinuro mo na sakin po. "


ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon