KABANATA 22

5 1 0
                                    


                 ⚜️Bella⚜️


Nagising ako ulit mag aalas sais na ng umaga. Bumangon na ako sa higaan ko para makapaghilamos at sipilyo sa C.R.


Paunti-unti nakakapag adopt na ako sa pamumuhay dito sa syudad. Kahit sobrang layo ng buhay ko ngayon sa pamumuhay ko noong nasa Gubatnon pa ako.


Dito mas payapa ako, mas masaya ako. Dito hindi na ako natatakot para sa bawat araw ng buhay ko. Dito hindi na ako nakatira dilim. Hindi na kami nagtatago ni shadow. Malaya na kaming gawin yung mga bagay na gusto namin.



Lagi kong pinagpapasalamat yung mga nararanasan namin ngayon.


Nagpapasalamat ako na nakilala ko sila Alia at Kendrick. Pati na din si Doc Aden at Sir Keelan.


Sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon kasama si Lolo. Sana magtagumpay sila sa plano nila laban sa mga rebelde.


Pagkatapos makapag-ayos lumabas din ako agad sa banya. Pinakain ko si shadow ng Dog food niya. Naninibago nga ako eh.


Sa basement kase palaging magkahati ng pagkain ni shadow.Kong anong baon kong pagkain sa baba yun ang kakainin niya. Kahit nun nasa kweba kami.


Hindi ko alam dito pala sa syudad magkaiba ang pagkain ng hayop sa tao. Napakabait ni Ken, binilhan niya ng isang sako ng Dog food si Shadow. May mga Can food din pag ulam niya daw. May mga Dog treats pa nga na kasama.


Nilagyan ko na ng pagkain yung food bowl ni Shadow.


" Kain kana ng almusal shadow, ang ulam mo ngayon chicken flavor naman "


Sa araw araw kase na pagpapakain nina Alia at Ken nito kay shadow natutunan ko na din paano ito ihanda ng tama.



*Arf.Arf.Arf* tahol niya pa.


" Masarap ba shadow?. Nako, napaka spoil mo na kay Ken ah. Lalo ka ng tataba niyan "


Hindi naman mapayat si shadow, kahit mahirap buhay namin sa bukid. Nakakain naman siya ng maayos dun.


Inaalagaan ko naman siya ng husto kaya maganda padin ang balahibo at katawan niya.


Pero dito nararanasan niya talaga yun pang mayaman na alaga dahil kay Ken. Lagi lagi may bitbit yun para sakin at kay shadow eh.


Sabi niya pa nga pag weekends na daw dadalhin niya sa Vet si shadow para ma check up. Para daw mabigyan ng dapat na vitamins sa kanya. Tapos ipapagroom niya din daw.


Nang tinatinanong ko kong para saan yung pag groom sabi niya parang salon lang daw yun pero sa mga hayop.


Habang kumakain si Shadow ininit ko na din yung pagkain na hinandan ni Alia para sakin.


ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon