Bliss 7

348 17 0
                                    

Violet's PoV


Nasa labas ako kung saan gaganapin ang party nila at wala akong ideya kung ano ang dapat kong gawin dito.

Sabi sa akin ni Shane ay pupunta rin daw sila rito.

Wala akong plano mag-swimming dahil wala naman akong hilig. May choice naman akong hindi pumunta rito kung gusto ko, pero nakapagbitaw na ako ng salita kay Salvador.

Labag sa loob akong pumasok at ang naabutan ko ay ang ingay ng crowd at music.

Karamihan naman sa kanila ay may mga tama na kasi kanina pa nagstart ang party.

Mas maingay pa rin pala sa bar na pinagtatrabahuan ko. Mabuti nga at pinayagan ako ni Manager na hindi pumasok ngayon.

Hinanap ko sila Shane at natagpuan ko naman sila na nasa pool, kaya hindi na lang ako lumapit.

“Yvette! You’re here.”

Nagulat naman ako dahil si Claire pala ito, kaya pala hindi ko siya nakita kanina sa apartment.

Hinila niya ako sa isang table at pinakilala ako sa mga kaibigan niya.

Inaya naman nila akong mag-swimming, pero tinanggihan ko sila kasi malamig ang tubig.

Nakita ko si Salvador kaya nilapitan ko ito, na ikinagulat niya.

Lasing na yata ang babaeng ’to.

“Ow? I thought you will never come here.”

“Nandito na ako at uuwi na rin ako ngayon.”

Sabi niya, punta lang ako at wala siyang sinabi na mag-stay ako rito ng matagal.

Bigla namang may humila ng damit ko at hindi ko na napigilan ang pagbagsak ko sa pool.

Mabuti hindi ako nakatama ng ibang tao.

Hinanap ko ang salamin ko bago ako umahon sa pool. Hinubad ko ang suot kong jacket kasi mabigat.

Ramdam ko naman ang tingin nila sa akin, lalo na sa katawan ko kasi naka-sport bra lang ako.

Nakita ko namang may nagvi-video kaya nilapitan ko ito at hinablot ang phone niya.

Kukunin niya pa sana ’yung phone nito pero tinaasan ko siya ng kamao. Subukan niya at masusuntok ko siya ng wala sa oras.

Napanood ko naman kung paano hilahin ng lalaki ang suot ko.

Napailing na lang ako at ibinalik sa lalaki ang phone nito at naglakad na palabas ng bahay.

Sabi ko na, mali talagang pumunta pa ako rito. Sana pala nagtrabaho na lang ako para may kita pa.

Nasira pa ang salamin ko kaya kailangan ko pa itong ipaayos.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at nalubog na ito sa tubig, kaya wala na itong pag-asa na mabuhay pa.

Naiinis akong ibinalibag ito sa lapag at agad ko rin pinulot kasi baka magkalat lang.

Nakakabwisit!

“Yvette! Buti naabutan pa kita. Tara, hatid na kita sa inyo.” saad ni Shane.

“Hindi na, Shane. Maaabala pa kita. Pauwi na rin naman ako.”

“Hindi, I insist. Pinatigil na rin naman niya ang party kaya uuwi na rin sila. Kaya tara na.”

Hindi na ako tumanggi pa kasi nakakahiya naman kung sumakay ako sa bus ng basa.

Pinahiram naman niya ako ng extra clothes niya at sinuot ko ito bago kami umalis.

Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa labas.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon