IKAANIM NA KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 63)

28 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING''

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikaanim-na-po't tatlong Tagpo

Masayang masaya si Ernie. Wala siyang pagsiglan ng kaligayahan nang muling mabuo ang kanilang pamilya. Di niya maubos-maisip paanong sa isang iglap ang matinding galit ng kanyang Kuya Ruperto sa di-pagsuporta sa kanya ng mga kapatid sa eleksyon ay kay daling naghupa.

Gayundin naman ang pagmamatigas ng kanyang mga kapatid ay bigla na lang nagsilambot nang humingi ng tawad at pagyayakapin sila ng kanilang Kuya Ruperto nang isa-isa.Ngayong siya'y nag-iisa na at wala na ang kanyang mga kapatid, ayaw pa rin siyang tantanan ng kanyang pagmumuni-muni. 

Sa ipinamalas na pagpapakumbaba ng Kuya Ruperto niya sa mga mas nakababata niyang mga kapatid, tunay na sinsero kaya siya?

Di kaya istratehiyang pampolitika lamang ito upang kahit paano'y basagin niya ang boto ng kanilang mga kapatid na kahit paano'y may masungkit pa rin siyang boto sa ilan sa mga ito?

Di nga ba't sa bibig na rin mismo ng Kuya Ruperto niya narinig na gagawin nito ang lahat, manalo lamang ito sa eleksyon? Sana naman, tutuo na ang kanyang paghingi ng tawad at ito'y hindi isang pakunwari lamang sapagkat kapag nagkataon ang kanyang binuo ay muli na namang guguho at ang gulo sa pamilya nila'y lalo pang lulubha kaysa rati.

Naudlot na lamang si Ernie sa kanyang mga iniisip nang tumawag si Arianne sa selfon niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito.

"Musta na Ernie? Musta ka rin daw sabi nina Louie at Atong? Balita namin...naospital ka...balita sa amin ng Kuya Ruperto mo...balak sana namin....dalawin ka namin pati ng mga classmate ko..."ang masayang pangungumusta ni Arianne.

"Ok na ko....malakas na ko!" maikling sagot ni Ernie.

"May good news ako sa iyo..." agad sinunod ni Arianne.

"Ano 'yon?" nananabik na tugon ni Ernie.

"Pinagaling ka ng pagmamahal ko hahaha," ang tila nanunuksong tinig ni Arianne.Luminga-linga sa paligid ng bahay si Ernie. Buti wala si Ine, abala sa pagawaan ng balot kasama si Ate Luisa.

"Ikaw talaga hahaha..." tugon ni Ernie.

"May bad news ako sa iyo..." sundot ni Arianne.

"Joke na naman ba 'yan?" pakli naman ni Ernie.

"Seryoso na....sa ginawa naming survey nangunguna si Kapitan Anchong....sumusunod si Ruperto Cruz Santos III, nasa pangatlong puwesto si Kuya Ruperto....maliliit lang naman ang lamang nila sa isa't isa...kaya sa tingin ko kung sisipagan pa ng Kuya Perts mo...baka may pag-asa pang mabago ang resulta ng survey...sana makasama ka na namin uli sa pangangampanya ng Kuya Perts mo..." ang paliwanag ni Arianne.

"Kailangan ko pa ng police protection..." malungkot na tugon ni Ernie.

"Ha? Bakit? May nagbabanta ba sa buhay mo? ang nag-aalalang tinig ni Arianne.

"Oo eh." ang pakli ni Ernie.

"Alam ba ito ng Kuya Perts mo?" pag-uusisa ni Arianne.

"Alam niya...sinabi ko...pinayuhan nga niya kong huwag na munang sumama sa pangangampanya niya...may threat din si Ninong Anchong..." ang patuloy na pagsisiwalat ni Ernie.

"Ganon ba? Pati Ninong Anchong mo? Diyos ko naman...grabe naman pala itong eleksyon sa inyo...dapat palang i-declare ng hotspot ang lugar ninyo...nang mabantayan ng militar..." balot ng pangambang tinig ni Arianne.

"Oo nga...di ko nga sukat-akalain na ganito na pala kalala ang magiging halalan sa amin...' ang tugon naman ni Ernie na pilit na nilalabanan ang labis na pagkabalisa.

"Sige...mag-iingat ka! Huwag ka na munang maglalabas ng bahay...love you!" ang malambing na tinig ni Arianne na nag-aalala.

Naglaho na ang malambing na tinig ni Arianne ngunit waring nakapagkit pa rin sa isip ni Ernie ang magandang mukha ni Arianne na alalang-alala sa kaniyang kalagayan. Kahit paano'y naiibsan ang mga pangamba ni Ernie kapag nakakausap ang masayahing si Arianne.

All reactions:2Dalia Delrosario and Janet Manlapaz

1Like 

Comment

Share Naku huwag naman sana political strategy un. Aba'y sayang nman ang nabuong pagmanahalan.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon