Walang tatangi na masarap ang magmahal. Minsan nga ito lang ang pinapahalagahan ng isang tao at nagagawa niya ang kahit ano manatili lang ang pagmamahal na iyon.
Sa isang banda, hindi naman natin masasabi na laging maganda o nasa katwiran ang ginagawa ng isang tao. Kahit pa sabihin nyang dahil sa pag-ibig iyon.
May mga bagay na maikakategorya natin sa mali at baluktot, kahit pa sabihin nating dahil sa pagpapahalaga at pag-iingat ng relasyon ang punto ng gumawa noon.
Tanggapin man natin o hindi, hindi tayo makakawala sa impluwensya, kapangyarihan at hawak ng katwiran at moralidad na umiiral sa lipunan nating mga tao.
Dahil dito, nagkakaroon ng hangganan ang dapat ikilos ng isang tao at maganda iyon. Kumbaga, nagkakaroon ng pamantayan kung hanggang saan ang dapat para masabing, disente, moral at tama.
Dahil dito, nagkakaroon ng pamigil at susog para manatili ang kaayusan ng lipunan at buhay bilang mga indibidwal.
Kaya nga tanong, ANO ANG SUKATANG MO SA PAG-IBIG? Kaya mo bang magpakalayu-layo sa katwiran at sa alam mong tama dahil lang sa pag-ibig?
Kung OO, ang sagot mo. Delikado! Peligroso!
Nangangahulugan kasing kaya mong gawin ang lahat. Kaya mong lunukin ang lahat. Kaya mong isaalang alang ang respeto sayo ng iba. Nang respeto ng iba sa minamahal mo. Maging na ang sa sarili, alang-alang sa pag-ibig mong iyon.
Paano na ang mga taong nakapaligid sayo?
Paano na ang mismong taong minamahal mo? Kaya mo bang mabuhay sa mundo ng kamalian?
Kung OO. Masasabi mo bang tama ang sinasabi mong pagmamahal?
At hindi mo ba naitatanong sa sarili mo o hindi mo ba naiisip kung tunay kang liligaya maging ang minamahal mo sa relasyong, kahit saan mo man sipatin ay mali at hindi nararapat?
Nasa iyo na ang huling pagahahatol dahil matagal ka nang hinatulan ng lipunan.
Napakasarap sana kung ang pinagsasaluhang pag-ibig ay naaayon sa moralidad ng tao. At napakasarap siguro kung ang sinasabing "TRUE LOVE" na maaaring madama ng isang tao ay walang hadlang at walang komplikasyon. Napakasarap nga siguro noon.
At kung ganoon, masasabi nating dalawa kayo sa pinakamapalad na nilalang sa mundo dahil nakita't nakilala nyo ang taong nagbibigay ng napakagandang kahulugan sa iyong buhay.
Kung dito ka man napunta, "ANO ANG MAGIGING SUKATAN MO SA PAG-IBIG?"
Wala na siguro ano? Ang sarap! Ang saya!
Tanga ka nalang siguro kung na sa iyo na ang pinaka-aasam ng napakarami at pinabayaan mo pa ito.
_____________________________________________________
follow me on twitter: @TheSujayCorales
