Third Person's POV
Nadatnan ni Athalia ang sarili nyang nakahiga sa clinic ng Benison. Inilibot niya ang paningin niya sa kwarto ng clinic at agad namang nahagip ng mata niya ang mukha ng mga kaibigan niyang si Joseph at Rhianna.
"Gising ka na pala." ani ni Joseph.
"Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Athalia.
"OA. Sobrang OA. Napaka-OA. Pinaka-OA!" pang-aasar ng kaibigan niyang si Rhianna kaya naman agad siyang sinamaan ng tingin ni Athalia. "Over naman kasi sa tanong, ate ko. Pwedeng isa-isa muna?"
"Sabi ni Esang binuksan mo raw 'yong kahong nanggaling sa locker mo, tapos ayun bigla ka na lang daw nawalan ng malay." kwento ni Joseph. "Ano bang meron sa kahong 'yon?"
Inalala ni Athalia ang nangyari bago niya buksan ang kahong nakalagay sa locker niya.
[FLASHBACK]
"Happy birthday, Athalia Ysabella Corpuz!"
'Yan ang nakasulat sa takip ng box. It was written in red and it's really giving her goosebumps dahil mukhang hindi tinta ng ballpen o ng kahit na anong pen ang pinangsulat dito. Masasabi ng iba na paranoid siya, pero mukhang dugo ang pinangsulat dito.
"Sino naman kayang gagong nag-iwan nito sa locker ko?!" bulong nito sa sarili.
Nang makita niya ang nilalaman nito ay halos manlamig ang buong katawan nito.
Bakit...
Paano...
Sino...'Yan na lang ang tumakbo sa isip ni Athalia.
Muli niyang tinignan ang laman ng kahon, at muling bumungad sa kanya ang masangsang na amoy na nanggagaling sa unipormeng nakalagay dito. Naghahalo ang amoy ng alikabok at ng dugong namuo rito.
"Paanong napadpad dito ang uniform ni Ate? Dalawang taon na itong nawawala." bulong ni Athalia sa sarili. "B-bakit? P-paano? S-sino?"
Nagbagkasan ang luha ni Athalia at kasunod noon ay ang biglang pagkawala ng malay niya.
[END OF FLASHBACK]
Nakaramdam ng bigat si Athalia.
Muli niyang tinignan ang mga kaibigan na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya.
"Nakaalis na ba si Ate Tina?" biglang tanong niya.
TINA'S POV
"Magandang Gabi, Baryo Maligaya!" I said lively. "Gising pa ba ang lahat?"
Sari-saring sagot ang narinig ko mula sa kanila, may mga nagsabi na: "Oo naman" at mayroon namang "Hindi na" at inaantok na siguro sila.
"Halo-halo ang sagot niyo, mekus-mekus o mix-mix kagaya ng ibinigay sa inyo ng mga ka-talking stage niyo!" banat ko at kagaya nang inaasahan ay naghiyawan ang mga ito. "Huy, eme lang. Nadulas lang po."
"Pero, matanong ko lang kayo mga sissy ko. Anong nararamdaman niyo kapag naririnig niyo ang salitang pagbabago?" tanong ko at narinig ko naman ang sari-sari nilang sagot. "Masaya? Masakit? Iba-iba, ano? Depende sa sitwasyon. Ang totoo niyan ang salitang pagbabago ay nakakatakot, but change is constant. Change is part of our lives, of our progress, minsan nga sinasabi pa nila that these changes built us as a person, it helps to grow."
"But just like what I said, change is constant. Nakakatakot man ang salitang pagbabago and the changes itself, wala tayong magagawa roon, dahil sa mundong ginagalawan natin mga sissy ko, ang tanging permanente lang dito ay walang iba kundi ang pagbabago." ani ko.
"Bago ko simulan ang tulang iaalay ko para sa inyo, hayaan niyo muna akong magpakilala sa inyo. Ako po si Celestine o mas kilalang Ate Tina o Tina at naririto ako sa harapan niyo upang i-presenta ang tulang ako mismo ang lumikha, ang tulang pinamagatan kong pagbabago."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Misterio / SuspensoMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...