"Uuwi kaba talaga sainyo Lola?" Tanung saakin ng ka roommate kong si Jessica.
"Oo, mag babakasyon ako kila Nanay at magpapasko naman na, ilang buwan narin akong hindi umuuwi sakanila." nakangiti kung tugon sakanya habang nag eempake ako ng gamit. "Ikaw di kaba uuwi sainyo?" balik kung tanung sakanya.
Umiling lamang ito. "Hindi na, busy rin naman sila sa trabaho nila." malungkot niyang saad.
"Gusto mo bang sumama saakin?" wala sa sarili kung sambit babawiin ko sana kaso bigla siyang tumalon sa kama para mag empake narin ng gamit niya, tamang iling nalang ang naging reaksyon ko.
Ala una na ng hapon ng matapos kami sa pag eempake ng gamit, kunti lng ang dala ko habang siya naman ay isang malaking maleta. "Sigurado ka diyan sa bitbit mo nayan?" tanung ko sakanya.
"Oo naman!"
Nag kibit balikat nalang ako dahil alam kung mahihirapan siyang bitbitin iyon.
"Lola, hindi mo ba isasama yung girlfriend mo?" tanung niya habang hawak hawak ang tinapay na binili niya kanina sa bakery.
"Hindi." tipid kung sagot.
Ayoko siya isama dahil hindi pa ako ready na umamin kay mama na isa akong lesbian. Mag aaway lang kami kung bakasakaling idedeny ko ang relasyon naming dalawa kay mama. Pinahinga ko ang natitirang oras namin dahil alam kung mapapagod ako ng husto.
"Gisingin mo ako Lola kapag aalis na tayo." Saad niya bago pinikit ang mga mata.
Nag paalam ako sa girlfriend kong si Dabbie, mawawalan ako ng signal mamaya dahil nasa tuktok ng bundok ang uuwian ko at bihira lang ang magkaroon ng signal minsan kailangan ko pang bumaba sa bayan para makatawag.
Nag tipa ako ng sasabihin sakanya at kung ano nanamang palusot ang sasabihin ko para payagan niya akong umuwi sa amin. Nahihirapan pa akong kumbensihin siya dahil sinabi kung walang signal dun medjo hindi siya dun naniniwala gawan ko pa raw ng paraan para makapag update ako sakanya. Gagawan ko naman talaga kahit kailangan ko pang bumaba ng bundok gagawin ko.
Sumapit ang alas kwatro ng madaling araw, ginising ko siJessica para makapag handa na at aalis na kami mamayang saktong 5 a.m. Kailangan ko pang butungin ang paa niya para gumising.
"Babangon na babangon na."
Bitbit ko ang travel bag ko habang naka sabit ang isang belt bag ko sa bewang. Sumakay kami ng taxi papuntang bus station, may kalayuan ang distinasyon ng bus sa apartment namin kung mag ttrycicle naman kami ay alam kung matatagalan dahil sa bagal nitong tumakbo at ang ingay narin.
"San mo gusto umupo?" tanung ko sakanya.
"Sa tabi ng bintana."
Hindi na ako umangal pa at gusto ko rin na malayo sa bintana nakakahilo kapag sa tabi ng bintana ako umupo. Mahaba haba ang byahe kaya hindi ko nakalimutang dalhin ang airpods ko. Mamayang hapon pa kami makakarating kaya natulog ang kasama ko.
Namumuo ang pawis sa noo ko dahilan para mapa sulyap ako sa bintana na sana hindi ko nalang ginawa. Kitang kita ng mata ko ang babaeng walang ulo nakakapagtaka lang parehong pareho ang sout niya sa damit ni Jessica. Sumakit ang ulo ko at parang babaliktad ang tiyan ko kinuha ko ang plastic bag na nasa ilalim ng upuan wala akong pake kung madumi iyon o hindi. Sinuka ko lahat kulang nalang isuka ko pati lamang loob ko.
Nakalipas ang tatlong oras na tulog parin ang katabi ko, kahit gumalaw ay hindi niya ginawa nag aalala narin ako sa position niya at baka nangangalay na ito. Hindi ko ginawang gisingin siya dahil alam kung ayaw na ayaw niya sa lahat ang ginigising siya depende nalang kung siya mismo nag sabing gigisingin ko siya.
Nagkibit balikat nalang ako, hinintay ko nalang na mag ala una dun ko siya gigisingin. Hindi ko namalayan na ako na pala ang ginigising niya, nakatulog ako sa sobrang sakit ng ulo ko kanina. Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina. Alam kung hindi si Jessica 'yon dahil natutulog siya sa tabi ko buong byahe.
"Andito na tayo.." Mahina ngunit magaspang ang boses niya tumango nalang ako at ipinagsawalang bahala iyon alam kung napapraning nanaman ako.
"Kuya, magkano po magpahatid sa Casa Dela Torre?" tanung ko sa isang trycicle driver na nasa mid 40s na. May itsura rin ito at alam kung gwapo ito nung sultero pa siya.
Walang imik si Jessica simula nung makababa kami ng bus, alas tres na ng hapon at lulubog na maya't maya ang araw. Umuuntog ang ulo ko sa bakal dahil mabato ang daan. Nilingon ko ang katabi ko para sana icheck kung ok lang ang lagay niya, nakapulupot sa kanyang leeg ang unan kaya hindi siya masyado nasasakitan sa pag-untog niya sa bakal.
Malayo layo pa ang Casa at nasa pinakadulo pa ito, mahirap kapag nagabihan na dahil halos walang poste ang dadaanan namin pagkatapos naming daanan ang maliit na palengke. Mahihirapan rin kaming umakyat dahil talahib ang dadaanan namin.
"Hanggang dito nalang tayo mga ija." Huminto si kuya driver sa tapat ng Casa maliit na ang daan kaya hindi na kaya pang pumasok ng trycicle.
"Baba ka na diyan Jessica." Kinuha ko ang maleta niya sa itaas ng trycicle, doon na iyon nilagay ni kuya driver dahil hindi ito kasya sa loob at wala kaming mauupuan kung ipapasok niya pa yun sa loob.
"Mag abal abal nalang kayo ma'am papasok." Tugon samin ng driver bago ko inabot sakanya ang bayad. "Wag po kayong mag pagabi ma'am medjo delikado po jan." Paalala niya samin bago umalis.
Nag hanap ako ng abal abal ngunit wala akong mahanap kaya naman sinimulan nalang namin mag lakad. Puro na reklamo ang kasama ko na masakit na raw ang paa niya. "Paanong hindi sasakit paa mo eh naka takong sapatos ka." Galit kung sabi.
"Eh kung pinahiram mo sakin yung sneakers mung puti!" sigaw niya sakin.
"Ayoko, ang dumi dumi mo gumamit, wala pang dalawang minuto para nang chocolate ang sapatos ko!" sigaw ko sakanya pabalik.
Padabog siyang nag marcha at inunahan ako sa paglalakad. "Sasakit talaga paa mo kung ganyan ka mag lakad." Inirapan ko nalamang siya at pinara ang isang motor.
"Kakasya ba tayo sa isang motor lang Lola?!" sigaw nanaman niya sakin.
"Ayon pa ang isa oh." turo ko sa motor na paparating.
"Bilisan niyo napo ma'am hanggang alas kwatro lang po kami." Paalala ng isang lalake samin.
Agad naman kaming sumakay at nag pahatid sa isang malaking gate. "Ingat po kayo ma'am." huling pag papaalala samin ng dalawang lalake.
Binuksan ko ang napakalaking gate na kinakalawang na, naglikha iyon ng napakalakas at tagsing na ingay. Wala nanamang imik ang kasama ko at basa ko sa mukha niya ang takot at pagka balisa. Tinapik ko ang balikat niya at mukhang natauhan naman kaagad ito.
"Nakita mo ba yun Lola?" Turo niya sa punong malaki.
"Ang alin?" takang tanong ko.
"May nakasabit." Hindi niya tinanggal ang paningin niya doon.
Binusisa ko ang puno, nilapitan ko pa iyon at umikot wala talagang nakasabit. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni mama. "Wag mo galawin yan." banta niya sakin.
"Sino yang kasama mo?" tiningnan niya si Jessica na namumutla at balisa parin ang mukha. "Bakit mo sinama yan dito Lala?"
"Gusto niyang sumama ma." tipid kung tugon.
"Kunin mo ang mga gamit niya at lulubog na ang araw mahihirapan tayong makauwi."
Sinunod ko kaagad ang utos ni mama, tinapik ko ang balikat ni Jessica wala sa sarili siyang nag lakad palapit kay mama. Kinuha ko ang mga gamit namin at sumunod sakanilang dalawa. Nilingon ko ang malaking puno tila tinitingnan rin ako pabalik. Nag kibit balikat nalang ako.